Matibay talaga as in gawa sa asero ang mga taong nasa likod ng club cum putahang KING & QUEEN Club na nasa Macapagal Boulevard, Pasay City.
Bakit?
Matapos kasi salakayin ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) South ang club cum “pokpokang” noong madaling-araw ng Hulyo 7, balik operasyon muli ang nasabing establisimiyento ng sumunod na gabi.
Sa raid na isinagawa ng CIDG South, labing limang (15) kababaihan ang inaresto kasama ang ilang Chinese nationals na naaktuhang nasa loob ng Club bilang mga kostomer.
Napag-alaman ng inyong abang lingcod na tila nagkaroon ng milagro o “aregluhan blues’ sa tanggapan ng CIDG South makaraang i-release ang lahat ng mga inaresto kabilang na ang mga Tsekwang kostomer makaraang pagbayarin ng multa sa LGU ng Pasay.
Sa makatuwid tila na-downgrade ang ikinasang kaso ng imbestigador ng CIDG South laban sa mga nahuli sa loob ng KING & QUEEN Club.
Mistulang “bagansiya” na lamang ang asuntong ikinasa!
Ayon sa ating mga sources, ipinagmamayabang ng Intsik na operator ng KING & QUEEN ang umano’y 200K na umano’y ibinigay nito sa isang opisyal ng CIDG South!
General Guillermo Eleazar sir, hindi magandang senyales ito sir lalo na at sa mismong kasapi ng media nagmula ang impormasyon hinggil sa iligal na operasyon ng club cum putahang ito na personal na ini-relay sa inyo.
Pati kayo General Eleazar ay binabalasubas at inilalagay sa alanganin ng mismong mga pinagkakatiwalaan mo.
Si General Eleazar mismo ang nagrefer sa CIDG ng kaso ng KING & QUEEN.
Marapat lamang General Eleazar sir na bigyan nyo ng leksyon at dala ang tulo laway na operator ng club na ito dahil sa tila pagmamaliit sa pambansang kapulisan.
“PERA” lamang umano ang katapat ng mga tauhan mo Gen. Eleazar.
Personal nating kilala at talos natin ang sensiridad ni Eleazar sa layon nitong linisin ang institusyon ng pagpupulis kung kaya’t sigurado tayo na may milagrong ginawa ang mga taga-CIDG South na tiyak na ikaka-high blood ni chief PNP.
Going back sa KING & QUEEN Club, bukod sa yabang at angking kakupalan ng Intsik na operator ng nasabing establishment, malakas pa ang loob nitong maglait ng mga miyembro ng PNP.
“Panis” umano ang isinagawang operasyon ng CIDG sa kanyang club dahil “barya-barya” lamang ang kapalit nito mula sa raid team.
FYI General Eleazar sir, hindi lamang po prostitution ang garapalan ginagawa ng club na ito kundi drug trade din dahil nagsisilbi itong bagsakan ng droga gaya ng liquid shabu at party drugs as in ecstasy.
Malalim po ang mga katarantaduhang nakakapangyari sa loob ng nasabing establisimiyento General Eleazar sir!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post After CIDG raid, club cum putahang king & queen sa Pasay, business as usual naman! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: