Facebook

MCFH may 118 admissions sa loob ng 2 linggo

ANG Manila COVID-19 Field Hospital (MCFH) sa Luneta ay nakapagtala ng may 118 admissions sa loob lamang ng dalawang linggo.

Ito ang pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno, na nagsabi na base sa ulat na ibibigay ni MCFH Director Dr. Arlene Dominguez, may kabuuang 44 na pasyente na ang gumaling mula sa 118 na admissions.

Ayon pa kay Moreno, sa kasalukuyan ay maswerte na walang dinalang pasyente sa MCFH na inaalagaan ang nauwi sa severe o critical at nanatiling nasa 100 percent pa rin ang success rate ng ospital.

Ang MCFH kahit ginawa para tumanggap ng mga mild hanggang moderate cases ng COVID-19, ay may isang oxygen kada isang kama sakaling ang kundisyon ng pasyente ay maging severe o critical na ayon kay Moreno ay posibleng mangyari.

Inulat ni Dominguez kay Moreno na sa kasalukuyan ang referral system na ginagawa operasyon ng ospital ay maganda at maasahan.

“Patient satisfaction is super. They all have nothing but good things to say,” sabi ni Dominguez.

Sa ilalim na sistemang pinapairal, ang anim na city-owned hospitals ay nire-refer sa MCFH ang mga mild hanggang moderate COVID cases para gamutin. Ang mga ospital na ito ay ang mga sumusunod: Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC), Ospital ng Tondo, Justice Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila at Sta. Ana Hospital.

Ang MCFH, na may 344-beds capacity, ay binuo ni Moreno bilang paraan upang mapaluwag ang mga city-run hospitals mula sa mga mild hanggang moderate COVID patients upang makapag-focus naman ito sa iba pang sakit na nangangailangan din ng agarang pansin.

Nakarating sa alkalde ang ulat na may mga pasyente na ayaw magpadala sa ospital para magpatingin ng kanilang sakit dahil natatakot na mahawahan ng COVID-19.

Samantala, tiniyak ni Moreno na hindi mapepeke ang vaccination card ng Maynila dahil sa online lang ito maa-accessed

Idinagdag din niya na ang vaccination cards ng Maynila ay may unique QR code at maa-accessed sa pamamagitan ng manilacovid-19vaccine.ph. (ANDI GARCIA)

The post MCFH may 118 admissions sa loob ng 2 linggo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MCFH may 118 admissions sa loob ng 2 linggo MCFH may 118 admissions sa loob ng 2 linggo Reviewed by misfitgympal on Hulyo 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.