Facebook

Ambulansiya inararo ang isolation facility: 2 patay, 1 sugatan

NASAWI ang dalawang tauhan ng LGU Covid-19 isolation facility at isa ang sugatan nang araruhin ng ambulansya na may mga sakay na pasyente sa facility compound sa Barangay Tughan, Juban, Sorsogon, Linggo ng hapon.

Kapwa dead-on-arrival sa Juban Rural Health Unit ang mga biktimang sina Nestor Don Habla at Celbert Don Grajo, kapwa 23 anyos, at residente ng Bgy. North Poblacion sa Juban.

Nagpapagaling naman ang sugatang si Mark Anthony Griego, 37, ng Bgy. Cogon, Juban.
Sa ulat, 2:00 ng hapon, dala ang swab test specimen at ilang tao para sumailalim sa swab test ay pumarada ang rescue ambulance ng LGU na minamaneho ni Oriel Gabion Gabito, 56, sa harap ng gate ng isolation facility compound.

Bumaba si Gabito at pinabuksan sa bantay ang gate saka bumalik sa ambulansya.

Gayunman, inakala nito na naka-park mode ang minamaneho niyang ambulansya at ini-release ang handbrake kaya biglang umarangkada ang ambulansya papasok ng compound at malakas na nabangga ang mga biktima na nag-aayos ng tent ng isolation facility.

The post Ambulansiya inararo ang isolation facility: 2 patay, 1 sugatan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ambulansiya inararo ang isolation facility: 2 patay, 1 sugatan Ambulansiya inararo ang isolation facility: 2 patay, 1 sugatan Reviewed by misfitgympal on Hulyo 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.