Facebook

Anak ng dating politiko pinagmumura ang mga pulis

“HINDI n’yo ba ako kilala? Put*ng i*a… hindi n’yo kilala sinong tatay ko?!”

Ito ang mga salitang binitawan ng isang lalaki habang pinagmumura ang mga pulis nang parahin siya dahil sa traffic violation sa Muntinlupa city.

Kinilala ang inaresto na si Franz Luke Orbos y Sioson.

Viral ang video na ibinahagi ni Robert Basan Abella Jr. sa Facebook nitong Huwebes.

Makikita sa video na sinaway ang lalaki ng mga pulis at sinabihang huwag magmura, ngunit nagpatuloy ito sa panggigigil sa mga alagad ng batas.

“Tingin n’yo takot ako sa inyo, mga g*go kayo,” sambit pa ng lalaki.

Nag-ugat ang kaso nang sitahin ng mga kawani mula sa Muntinlupa Traffic Management Bureau (MTMB) ang motorista dahil nakaparada siya sa Susana Heights at nagdudulot na ito ng trapiko.

“Ito po ay pinuntahan ng ating mga personnel from Muntinlupa Traffic Management Bureau medyo unresponsive nung una. Eventually, nung siya ay nagising medyo naging unruly na po siya kaya tumawag na ng tulong ang ating pong personnel from MTMB ng responde galing sa kapulisan,” sabi ni Police Lt. Riza Soledad ng Public Information Officer ng Muntinlupa City Police.

Pero hindi umano natinag ang motorista sa pagdating ng mga pulis at nakunan pa ng video ang pagwawala nito.

“Unruly pa rin siya and as seen sa nag viral na video, nag-exercise ng maximum tolerance ang ating responding police officers pati na rin ang mga taga MTMB but hindi ma-pacify ang atin inirereklamo hanggang sa dumating sa punto na kailangan siyang arestuhin,” paliwanag ni Soledad.

Inamin umano ng motorista na nakainom siya.

Sabi ni Soledad na released for further investigation ang motorista.

“Tuloy po ang kaso at merong preliminary investigation scheduled on July 30 dito rin po sa Prosecutor’s Offie ng Hall of Justice sa Muntinlupa,” sabi niya.

Napag-alaman na si Orbos ay anak ng dating TV-host at dating kongresista ng unang distrito ng Pangasinan.

Nahaharap sa kasong Alarms and Scandal, Resistance and Disobedience to a Person in Authority or Agents at Direct Assualt si Orbos.

The post Anak ng dating politiko pinagmumura ang mga pulis appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Anak ng dating politiko pinagmumura ang mga pulis Anak ng dating politiko pinagmumura ang mga pulis Reviewed by misfitgympal on Hulyo 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.