Facebook

Pastor na rapist, arestado

DINAKIP ng mga tauhan ng Zambales PNP ang pastor sa isang local church sa kasong panggagahasa sa kanyang parishioner sa Botolan, Zambales.

Kinilala ang inarestong pastor na si Richard Elmin, church leader ng Jesus is the Christ Church, at residente ng Purok 1, Barangay, Botolan.

Sa ulat ni Police Col. Romano Cardino, Provincial Director ng Zambalez PNP, taon 2015 pa inireklamo si Elmin ng panggagahasa ng magulang ng menor edad pero nakapagtago ng halos pitong taon bago nahuli sa Purok 3, Bgy. Bancal sa Botolan.

Walang piyansa ang 5 counts rape na ikinaso sa pastor.

Bukod sa reklamo ng menor de edad, may iba pang lumantad na mga biktima na naging dahilan ng kaniyang pagtatago.

The post Pastor na rapist, arestado appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pastor na rapist, arestado Pastor na rapist, arestado Reviewed by misfitgympal on Hulyo 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.