Facebook

PINALAKAS NA MEDIA SA BARMM

KAMAKAILAN ay naging panauhin tayo at naging saksi sa Oath Taking Ceremony ng mga opisyal at miyembro ng Bangsamoro Press Corps (BPC) sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslm Mindanao (BARMM) Goverment Compound, sa Cotabato City.TULOY

Siguro naman ay natatandaan niyo pa na ang BARMM ay ang dating ARMM (Autonomous Region of Muslim Mindanao) na lugar sa ating bansa na masasabi nating pinakadelikado para sa mga mamamahayag. Kasi dito rin nangyari ang malagim na Maguindanao Massacre nong November 10, 2010, kung saan 32 mamamahayag ay kasamang napasalang sa krimen ng dahil lamang sa alitan sa pulitika ng mga kumakandidato noon sa pagka-gobernador ng probinsiya sa halalan na gagawin din sa taong iyon.

At bilang namumuno sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) minarapat ng inyong lingkod na gumawa ang BARMM ng regional task force kasama ang BPC bilang katuwang ng PTFoMS upang masiguro ang kaligtasan ang kapakanan ng mga media sa lugar at di na muling mangyari pa ang Maguindanao Massacre.

Nakakatiyak tayo na ang pagkakaroon ng BARMM Task Force on Media Security ay tanging solusyon para di na maulit ang masaker na ikinamatay ng 58 katao kabilang ang 32 miyembro ng media. At sa ganitong set-up ang inyong PTFoMS ay patuloy na makikipag-ugnayan sa Bangsamoro Region at BPC sa pamumuno ni Mr. Ali Macabalang upang magkagawa tayo ng mg Operational Guidelines sa pagbibigay proteksiyon sa katayuan ng mga media sa rehiyon.

Ang PTFoMS ay nilikha ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 sa pamamagitan ng Administrative Order No. 1 na ang mandato ay bigyan proteksiyon ang mga buhay,kalayaan at siguridad ng lahat ng kasapi ng sktor ng media.

Ang ating mungkahi ay sinusugan na rin ni Manguindanao House Representative Toto Mangudadato at ng BARMM Ministry of Local Goverment , Minister Naguib Sinarimbo na nangakong ibibigay ang kanilang tod-suporta sa BPC maging ang pagsisikap nito na maging kaalyado ng National Press Club of the Philipines, ang pinakamatagal ng press corps sa bansa.

Kaalinsabay na rin nito ang malapit nang maipasang panukalang batas na Media Workers Welfare Act (MWWA) na nanggaling sa House Bill No. 8140 ay lalakipan din natin ng kahalintulad na batas para sa BARMM, Mupang maiangat din natin ang kabuhayan ng mga mamamahayag ng BARMM.

Sa mga kasapi at opisyales ng BPC isang pagpupugay sa inyong sinumpaang tungkulin na magpalaganap ng katotohanan at mag-ulat ng buong katapatan sa mga pangyayari at makakaasa kayong ang PTFoMS ay lagi ninyong kaagapay sa malayang pamamahayag.

The post PINALAKAS NA MEDIA SA BARMM appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PINALAKAS NA MEDIA SA BARMM PINALAKAS NA MEDIA SA BARMM Reviewed by misfitgympal on Hulyo 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.