Facebook

2 pulis nakapatay ng mangingisda swak sa ‘murder’

SINAMPAHAN ng kasong ‘murder’ ang dalawang pulis na bumaril at nakapatay sa isang 31- anyos na mangingisda sa Cabadbarab City.

Kinilala ni PNP Chief, General Guillermo Eleazar, ang dalawang pulis na sina Senior Master Sergeant Rizyl Torricer, at Patrolman Ariel Jay Panes, na kapwa nakatalaga sa Agusan del Norte Maritime unit.

Sa report, pinagbabaril nina Torricer at Panes ang mangingisdang si Ikiel Kintanar nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga ito sa dalampasigan ng Cabadbaran City sa isinagawang seaborne patrol noong July 10.

Nasa kustodiya ng Cabadbarab City Police Station sina Torricer at Panes. (Mark Obleada)

The post 2 pulis nakapatay ng mangingisda swak sa ‘murder’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 pulis nakapatay ng mangingisda swak sa ‘murder’ 2 pulis nakapatay ng mangingisda swak sa ‘murder’ Reviewed by misfitgympal on Hulyo 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.