Facebook

Pacquiao rumesbak kay Sec. Roque

BIGYAN daan ko muna itong mga reklamo at sumbong laban sa mga abusadong pasueldo ng bayan.

Isang babaeng pulis na may ranggong Senior Master Sergeant (SMS) sa Baseco Police Station 13 ng Manila Police District ang inirereklamo ng kanyang mga kabaro dahil sa umano’y pagtanggap nito ng P15K kada buwan mula sa mga “lubog”.

“Kaya kami ang hirap sa pagdu-duty dito sa Baseco 13. Gusto po niya magbigay ng ‘DR’ pero mga timbre niya sa PCP Port Area ay hayahay sa mga negosyo,” hinanakit ng pulis.

Baseco 13 Commander, Colonel Domingo, Sir! paki-im-bestigahan nito. Ayaw na ayaw ni General Francisco ng ganyan, mga pulis na palubog-palitaw sa istasyon. Baka makarating pa ito kay Chief PNP, naku!!!

***

Hinaing ng mga motorista sa Parañaque City: Perwisyo daw ang ginawang signs sa traffic light sa lungsod. Ang nangyayari raw ay hulidap. Dahil sa violation kuno ay magugulat ka nalang may alarm ang iyong sasakyan kapag nagrehistro sa LTO. ‘Pag tubos mo naman ay doon ka na dadalhin ng mga buwaya sa City hall ng Parañaque na kunyari ay tutulungan ka pero may usapan na raw ang mga ito.

“Nakakaawa ang meyor ng lungsod, imbes gumanda ang imahe ay nasisira ng mga nakapaligid sa kanya. Isa na ang nasa legal department at ang mga nasa information ng City Hall. Sa may gate pa lamang ay magtatanong na kung ano ang kailangan. At ‘pag naipakita mo ang nakalagay na violation ay titirahin ka na pag-bargain nila at tatawagin pa kunwari na tulungan mo nga ito, pero pagkakakitaan ka nila. Sana makarating ito kay Mayor.”

Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, paki-imbestigahan po nito, Sir!

***

Inirereklamo ng mga residente ng Barangay 77 sa Pasay City ang isang tindahan sa gitna ng daan. Hindi raw makadaan kahit ang sidecar o tricycle. Kaya ‘pag emergency, ang pasyente ay kailangang pang buhatin at ilipat sa ibang sidecar sa labasan.

“Sobra po hirap inaabot namin sa J. Fernando St., sakop ng Bgy. 77. ‘Yung tindahan sa gitna ng karsada. Hindi po makapag-sidecar or tricycle. Ang Tserman po dito ay si Noel Havelosa. Ilang beses na namin itong inireklamo sa kanya, dedma lang siya.”

Pasay City Mayor Eme Calixto-Rubiano, paki-tibag raw po ang tindahan sa gitna ng karsada dyan sa may J. Fernando St, Bgy. 77, ayon narin sa kautusan ng DILG na magsagawa ng nationwide clearing operation. Linisin sa obstructions ang kalye at bawiin sa mga abusadong residente ang bangketa. Now na!

***

Sinagot ni boxing Senator Manny Pacquiao ang banat ni Presidential spokesman Harry Roque na “watusi” lang ang kanyang pasabog tungkol sa katiwalian ng ilang ahensiya ng gobyerno sa ilalim ng Duterte administration.

Sabi ni Pacquiao, hintayin nalang ang kanyang pagbalik sa bansa pagkatapos ng kanyang laban sa Estados sa Agosto 21 kontra IBF/WBC welterweight champion Errol Spence.

Aniya, kumpleto siya sa mga dokumento. May video/audio pa raw ito.

Abangan!

The post Pacquiao rumesbak kay Sec. Roque appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pacquiao rumesbak kay Sec. Roque Pacquiao rumesbak kay Sec. Roque Reviewed by misfitgympal on Hulyo 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.