Facebook

1 nasawi sa sunog sa Ermita

NASAWI ang isang 50-anyos na lalaki sa nasunog na paupahang bahay sa Ermita, Maynila nitong Biyernes ng madaling araw.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, kinilala ang biktima na si Jose Nonie Gregorio.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na nagsimula ala-una ng madaling araw at tumagal ng tatlong oras.

Nabatid na nagsimula ang usok sa isang kuwarto sa ikalawang palapag ng boarding house na pawang mga gawa sa light materials sa 443 Arquiza St., Ermita.

Tinatayang aabot sa P60,000 ang halaga ng mga tinupok ng apoy.

Inalaam pa ng BFP ang sanhi ng sunog. (Jocelyn Domenden)

The post 1 nasawi sa sunog sa Ermita appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
1 nasawi sa sunog sa Ermita 1 nasawi sa sunog sa Ermita Reviewed by misfitgympal on Hulyo 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.