Facebook

4 Sayyaf todas sa ‘warrant’ sa Basilan

TODAS ang apat na miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) habang arestado ang isa pa sa operasyon ng Philippine National Police (PNP) Special Action Force (SAF) sa Barangay Balobo, Lamitan City, Basilan nitong Huwebes.

Sa ulat ni SAF Director Brigadier General Felipe Natividad kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, kinilala ang mga nasawi na sina Baradi at Remie Ganie, Mando Morales at isang Jack Akalul, habang naaresto si Dawam Morales.

Ayon sa ulat, isisilbi sana ng mga pulis ang arrest warrant laban sa mga nasawing terorista para sa kasong kasong murder, kidnapping at carnapping nang makipagbarilan ang mga ito sa mga pulis.

Pinaniniwalaang mga tauhan ni ASG sub-leader Radzmil Jannatul ang lahat ng inisyuhan ng arrest warrant.

Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang KG9 caliber 9mm submachine pistol, isang cal. 45 pistol, shotgun; isang cal. 30 at mga basyo ng bala mula sa iba’t ibang kalibre ng baril. (Mark Obleada)

The post 4 Sayyaf todas sa ‘warrant’ sa Basilan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
4 Sayyaf todas sa ‘warrant’ sa Basilan 4 Sayyaf todas sa ‘warrant’ sa Basilan Reviewed by misfitgympal on Hulyo 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.