Facebook

Apo 39 beses ginahasa ni lolo

CAGAYAN – Sa kulungan ang bagsak ng isang lolo matapos gahasahin ng 39 na beses ang apo sa bayan ng Piat, Cagayan.

Pansamantala itinago sa pangalang Cris ang akusadong 64 anyos, magsasaka at residente ng Sto. Niño, Cagayan.

Naaresto ang akusado nang ipag-utos ni Judge Edmar P. Castillo, Regional Trial Court, 2nd Judicial Region, Branch 11, Tuao, Cagayan, para sa kasong 39 counts ng panggagahasa at walang inirekomendang piyansa.

Sa ulat ng Cagayan Police Provincial Office, isang menor de edad na itinago sa pangalang Lhea ang naging biktima ng panggagahasa ng kanyang sariling lolo.

Paulit-ulit itong pinagsasamantalahan ng lolo na nagsimula pa Marso 2018.

Dahil sa matinding takot, hindi niya nagawang magsumbong matapos pagbantaang papatayin siya gayundin ang kanyang mga kapatid.

Sinubukan rin niyang magsumbong sa kanyang ama subali’t hindi ito pinaniniwalaan hanggang noong July 2019 ay naglakas muli itong magsumbong sa kanyang lola at agad na sinamahan sa himpilan ng pulisya para ipa-blotter ang insidente.

At kalaunan lumabas na ang warrant of arrest laban sa kanyang lolo.(Rey Velasco)

The post Apo 39 beses ginahasa ni lolo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Apo 39 beses ginahasa ni lolo Apo 39 beses ginahasa ni lolo Reviewed by misfitgympal on Hulyo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.