Facebook

Barangay kapitan sa Abra tinadtad ng bala

PATAY ang isang barangaykapitan sa bayan ng Bangued, Abra nang pagbabarilin Lunes ng umaga.

Ayon kay Police Captain Edwin Sergio, ang public information officer ng Philippine National Police (PNP) Abra, galing sa isang tindahan si Bgy. Lubong chairman Robert Villastiqui, 47 anyos, para bumili ng sigarilyo. Pauwi na ito sakay sa kaniyang motorsiklo nang paulaban ng bala sa mismong kanyang barangay.

Nagawa pa ng biktima na tumakbo pero sinundan parin ito ng gunman at pinagbabaril.

Nagtamo ng 10 tama ng baril sa katawan ang biktima na agad niyang ikinamatay.

May ‘person of interest’ na ang pulisya sa pagpatay sa biktima. Personal ang pangunahing motibo sa krimen na hindi idinetalye ng mga awtoridad.

Unang termino palang ni Villastiqui bilang barangay chairman.

The post Barangay kapitan sa Abra tinadtad ng bala appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Barangay kapitan sa Abra tinadtad ng bala Barangay kapitan sa Abra tinadtad ng bala Reviewed by misfitgympal on Hulyo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.