SINALAKAY ng mga operatiba ang tatlong magkakahiwalay na marijuana plantations sa bayan ng Tinglayan, Kalinga nitong Martes.
Sa isang plantation, nakuha ang humigit kumulang 37,500 puno ng marijuana na ‘di bababa sa P7.5 milyon ang halaga.
Sa isa naman, nakuha ang humigit kumulang 30,000 puno ng marijuana na aabot naman sa P6 milyon ang halaga.
Nasa 40,000 puno naman ng marijuana na may halagang P8 milyon ang nakuha sa isa pang plantation.
Sa kabuuan, nasa 107,500 puno ng marijuana ang nakuha ng mga awtoridad, na may kabuuang halagang P21.5 milyon. Nasa 6,000 square meters ang lawak ng tatlong plantasyon.
Walang magsasaka o cultivator na nadakip sa operasyon.(Mark Obleada)
The post 3 marijuana plantations sinalakay sa Kalinga; P21.5m puno ng damo winasak appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: