Facebook

Armadong sibilyan at mga body cam

People sleep peaceably in their beds at night only because rough men stand ready to do violence on their behalf. — English novelist George Orwell

PASAKALYE:

Text message . . .

Viral ngayon sa mga politiko ang kagaGOHAN ni PIM na armasan ang mga sibilyan. Dito makikita natin talaga ang kahinaan at kagaGOHAN ng utak ni PIM. Parang abnormal magsalita na kung ano lang maisip sabihin, ‘di ba? Hindi ang ganitong klase ng tao ang dapat manungkulan, kahit kagawad lang. Ewan at naging pangulo pa dahil sa mga BOBOtante. Nang marinig ko magsalita iyan at mambola? Sinabing hindi ito magiging magandang pangulo. Nagkamali ba ako, mga idol? Kung mga 90 porsyento ng mga pulis e gago, mga abusadong gumagamit ng baril, ganung pinag-aralan naman pa nila ito. E ang mga sibilyan pa kaya na marami ang mayayabang at abusado rin? Baka mga pulis at sibilyan na armado, kapag nagkairingan e magbarilan na. At sinong sibilyan ang aarmasan? Ang mayayaman kaalyado ng gobyerno? Patay at kawawa ang ordinaryong sibliyan. Marami bubulagta sa kalsada. Ngayon nga, kahit patago, nagagawang mamaril ng mga gago, lalo na kapag inaprubahan ito. Nasaan ang UTAK mo PIM?

REAKSYON:

Totally agree ako sa iyo, kabigan. Hindi solusyon ang pagbibigay armas sa mga sibilyan—nakita na nating kung ano ang mangyayari sa karanasan ng Estados Unidos . . .

Text message . . .

General Eleazar, pinapa-account ang mga dismissed drug case. Ayos sana ‘yan pero sa tatlong sinabi niya ay may sablay ng isa. Ano ‘yon? Sabi niya, walang palakasan, tatablahin ko kayo! At pangatlo ipagagamit na niya ang body cam sa mga kapulisan para matigil na ang kalokohan ng mga pulis at mawala na ang biktima ng mga pang-abuso at tanim-ebidensya ng kapulisan. Sir, nasaan na po ang body cam, nabulok na ba? Mula ng bilin ang mg a ‘yan, tatlong CHEAP PNP na ang dumaan e hindi pa rin nagagamit ang mg a ‘yan. Ayaw ba sir ng ibang general na gamitin ang body cam? Nagtatanong lang po, sir. Buti pa ang mga barangay nagkalat ang CCTV kaya kapag may naganap na krimen, agad nalalaman. Hangga’t ‘di napapagamit ang body cam na ‘yan, tuloy ang mga iligal at patayan sa mga kapulisan. Para lalöng maniwala at sumaludo sa inyo ang mamamayan? Ipagamit na body cam. Ngayon na po, sir General.

REAKSYON:

Tama nga naman . . . matagal nang pinag-uusapan iyang mga body camera . . . Siguro naman sa termino ng ating kaibigang GUILLER ay maipapatupad na ito . . .

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

The post Armadong sibilyan at mga body cam appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Armadong sibilyan at mga body cam Armadong sibilyan at mga body cam Reviewed by misfitgympal on Hulyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.