Facebook

Kung inuubo ka, may covid ka na ba?

NOONG nagpapasimula pa lamang ang pandemya ng COVID-19 ay natatandaan ko ang babala ng mga medical.experts, na isa lamang sa mga sintomas ang mataglay mo tulad ng ubo o sipon ay nagtataglay ka na ng virus at kailangang magpakonsulta na.

Kaya naman, ang ilang MEDICAL EXPERTS ay nilinaw ang mga agam-agam tungkol sa UBO at COVID-19 sa ginanap na Kwentong Viral News Webinar.., na anila ay mapanganib ang mga maling impormasyon sa gitna ngayon ng COVID-19 pandemic.

Ano nga ba ang sanhi ng mga ubo? Ang pag-ubo ay natural na paraan ng katawan para ilabas ang mga elemento tulad ng usok, alikabok at ibang nakakairita sa ating daluyan ng hangin sa lalamunan at baga.

“Essentially, ang ubo ay senyales na may underlying [na problema] or meron tayong ibang sakit,” pahayag ni DR. EARL SEMPIO na isang BIOCHEMIST at PULMONOLOGIST.

Ang acute infectious na ubo ay sanhi ng bacteria at viral infection na karaniwang may kasabay na lagnat, pananakit ng katawan at ibang sintomas ng impeksyon.

“Kabaligtaran ng mga maling impormasyon, walang iisang indikasyon na ang isang ubo ay sanhi ng COVID-19 o hindi. Mahirap sabihin na yung ubo is due to COVID-19. Ang importante kapag nagka-ubo ka, protect others. Mag-isolate na kayo muna. Kahit ang doktor hindi namin masasabi kung COVID-19 yan unless mapatest natin,” pahayag naman ni DR. JOSEPH ADRIAN BUENSALIDO na isang INFECTIOUS DISEASES SPECIALIST.

Ang mga kaso ng COVID-19 ay maaaring mild, moderate, severe o critical depende sa tindi ng sintomas.

Inihalintulad ni DR. BUENSALIDO ang mild COVID-19 sa pangkaraniwang sipon o trangkaso na maaaring gamutin sa bahay sa pamamagitan ng tamang pahinga at pag-inom ng maraming tubig. Pero kailangan ang tamang isolation ng maysakit para maiwasang mahawa ng virus ang ibang kasama sa bahay.

“Ang isang pag-aaral kung saan nakitang ang carbocisteine ay nakakapigil sa pagdami ng rhinovirus (common cold) sa human airway cells at binabawasan ang inflammator chemicals. Pinaluluwag ng mga mucolytic tulad ng carbocisteine ang paghinga sa pamamagitan ng pagpalabnaw ng malagkit na plema para mas madaling iubo. Ibig sabihin meron din siyang konting anti-inflammatory effect at nakakatulong din siyang magsuppress ng virus hindi lang sa common cold, meron din sa influenza, pagpupunto ni DR. GWEN AGRA na isang INTERNIST at PULMONOLOGIST.

Sa isang lokal na pag-aaral na ginawa ni DR. AGRA at ng kanyang grupo sa mga pasyenteng may non-bacterial na ubo, nakitang sa kumbinasyon ng Carbocisteine at Zinc bilang gamot ay nabawasan ang tindi ng ubo ng virus sa loob ng 3 araw at tuluyang gumaling sa loob ng 5 araw kung ikukumpara sa 10 hanggang 14 na araw na paggaling.

“Nababawasan niya ng mga dalawa hanggang tatlong araw yung illness. At ang Zinc, magaling siya actually sa viruses kasi ang number one cause ng karaniwang sipon ay rhinovirus at ang number two, even before the pandemic, ay coronavirus, paliwanag ni DR. BUENSALIDO.

Ang mucolytic at anti-inflammatory properties ng Carbocisteine kasabay ng Zinc para sa immunity ay malakas na kumbinasyon laban sa ubo na sanhi ng virus.

Kaya, mga ka-ARYA.., huwag mataranta at mangarag sakaling magkaroon kayo ng dry cough, kailangang mag-water therapy muna kayo.., magkakain ng prutas tulad ng orange o uminom ng fruit juice tulad ng pineapple juice!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Kung inuubo ka, may covid ka na ba? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kung inuubo ka, may covid ka na ba? Kung inuubo ka, may covid ka na ba? Reviewed by misfitgympal on Hulyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.