Facebook

Bagong silang na sanggol nakapagsasalita agad at nakauupong mag-isa

DINADAYO at pinagkakaguluhan ngayon sa isang barangay ang bagong silang na sanggol dahil sa kakaiba niyang hitsura at mga pambihirang abilidad sa Marogong, Lanao del Sur.

Sa ulat, mahigit isang linggo palang ang nakalilipas mula nang isilang ang sanggol na pinangalanang “Tingting Bulawan” na ang kahulugan ay “maliit na ginto.”

Para sa mag-asawang Abdul at Noraisa, itinuturing nilang isang malaking biyaya ang pagdating sa kanila ng anak.

Kakaiba ang hugis ng mukha ng sanggol na halos kasinlaki lang ng mansanas. At ang kaniyang laki, nasa walong pulgada lang.

Dumami ang mga tao na nagtutungo sa bahay nina Abdul at Noraisa mula nang mag-viral ang video ng kanilang anak na sinasabing nakauupo na raw mag-isa at nakapagsasalita na.

Ang iba, pinaniniwalaan din na may hatid na suwerte ang bata, at kaya raw magpagaling ng maysakit.

May nanghihingi ng damit ni Tingting Bulawan na ginamit at hindi pa nalabhan na inilalagay nila sa kanilang negosyo.

The post Bagong silang na sanggol nakapagsasalita agad at nakauupong mag-isa appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bagong silang na sanggol nakapagsasalita agad at nakauupong mag-isa Bagong silang na sanggol nakapagsasalita agad at nakauupong mag-isa Reviewed by misfitgympal on Hulyo 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.