Facebook

Bebot na ‘police asset’ itinumba

MABOLO, CEBU – Paghihiganti ang isa sa mga motibong tinitignan sa pamamaril-patay sa isang ginang na ‘police asset’ nang duguan itong bumulagta sa kalsada nang barilin ng hindi pa kilalang salarin, nitong Huwebes sa Cebu city.

Kinilala ang biktimang si Elera Tavara-Navaja, 41 anyos, at residente sa Sitio Maracas, Lahug ng nasabing bayang.

Sa report ng Mabolo Police Station, 7:47 ng gabi nang maganap ang krimen sa sityo Tarcom, Barangay Lahug, ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat, bigla na lamang nakarinig ng magkakasunod na putok ng baril ang mga residente sa nabanggit na lugar.

Dito, nakita na lamang nilang duguan nakabulagta si Navaja at wala ng buhay sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Sa pagresponde ng mga otoridad sa pinangyarihan ng krimen nakapulot sila ng ilang basyo ng bala mula sa hindi pa mabatid na kalibre na armas.

Nakakuha rin ang mga otoridad ng tatlong pakete ng shabu sa bulsa ng damit ng biktima.

Hinala ng mga otoridad posibleng binalikan ang biktima ng ilan sa mga ipinahuli nito na may kinalaman sa illegal na droga.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nabanggit na krimen.

The post Bebot na ‘police asset’ itinumba appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bebot na ‘police asset’ itinumba Bebot na ‘police asset’ itinumba Reviewed by misfitgympal on Hulyo 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.