NAIBALITA sa media ang advisory ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa food delivery riders na ang mga manggagawang ito ay protektado ng batas-paggawa ng Pilipinas.
Dahil diyan, ang punto ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pinamumunuan ni Bello noon pang 2016 ay kinakailangang makatanggap din ng sahod at mga banepisyo ang mga delivery rider ng sahod at mga benepisyong natatanggap ng mga regular na manggagawa.
Kung tatakbo si Bello sa pagkasenador sa eleksyong 2022, dapat sabihin niya ang totoong kondisyon ng mga nagtatrabaho bilang delivery rider.
Hindi kailangang pagandahin at palabasing pabor na pabor sa mga delivery rider ang nakasaad sa batas, sa pamamagitan ng paglalabas ng DOLE Advisory, upang makakuha ng simpatya at boto.
Pokaragat na ‘yan!
Alam po ba ninyo ang nangyari?
Ganito: Binatikos ng Kapatiran ng Dalawang Gulong, o Kagulong, si Bello.
Pokaragat na ‘yan!
Ito’y dahil, ayon sa pangkalahatang-kalihim ng riders’ rights group na Kagulong na si Don Pangan, hindi linutas ni Bello ang problema ng mga nagtatrabahong riders upang maghatid ng pagkain at iba pang order ng mamamayan.
Ipinunto ni Pangan na nagsinungaling si Bello sa mamamayang Filipino nang iwasiwas niya ang ideyang resolbado na ang problema ng mga kapwa nating Filipino na nagtatrabaho bilang delivery riders sa panahon ng magdadalawang taon nang pananalasa ng coronacirus disease – 2019 (COVID – 19), samantalang hindi pa nalutas ang nasabing isyu.
Pokaragat na ‘yan!
Inilinaw pa ni Pangan na ang Labor Advisory 14 ni Bello naq may pamagata na “Working Conditions of Delivery Riders in Food Delivery and Courier Activities” ay kinumpirma at pinatotohanan ang kondisyon ng mga nagtatrabaho bilang delivery rider.
“[M]ajority if not almost all food delivery riders are considered independent contractors and thus at the mercy of opaque app policies and algorithms”, pagsasalarawan ni Pangan.
Inihalimbawa ng opisyal ng Kagulong na ang kaso ng mga food delivery rider ng Foodpanda sa Davao em ay napakalinaw na kasong magpapaliwanag at magpapatunay sa tunay na kalagayan ng nasabing uri ng mga manggagawa.
“[F]ood delivery riders are not protected by labor law since they are deemed freelancers despite the app controlling the means and methods of how they work”, birada ni Pangan.
Sabi niya, ang pinakamahusay na dapat gawin ni Bello ay kagyat na ipatupad ang napagkasunduang pag-uusap ng Technical Working Group (TWG).
Ipinangako ito ni Bello.
Ang TWG ay kinabibilangan ng kinatawan ng mga Samahan ng riders delivery workers, kinatawan ng mga unyon, organisasyon ng mga manggagawa at kaukulang mga kagawaran ng pamahalaan.
Mula rito, magsisimula ang pagsisiyasat at imbestigasyon sa isyu at nakakabit na mga suliranin, pahayag ni Pangan.
Kapag natumbok ang mga isyu, suliranin at mga solusyon ay asahang makapagbubuo ng tinatawag na “policy standards” upang protektahan ang ang mga Filipino na naghahanap-buhay bilang rider, delivery rider at kaugnay na mga trabaho.
Mukhang nagkalimutan na ang “commitment” na ito na pinagkaisahan bago pa man naganap ang pandaigdigang araw ng paggawa noong Mayo 5.
Pokaragat na ‘yan!
Bakit ganyan si Secretary Bello, nakakalimutan ang mga pinag-uusapan?
Ito ba ay karagdagang patunay na hindi totoong maka-manggagawa si Bello?
O, dahil 78-taong-gulang na ang opisyal na nag-aambisyon pang maging senador.
The post BELLO BINIGWASAN NG KAGULONG DAHIL SA PATAKARANG KONTRA SA FOOD DELIVERY RIDERS appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: