NAKAAMBA na naman ang implementasyon ng mas mahigpit na enhanced community quarantine o ECQ classification sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Ipatutupad ito mula August 6 hanggang August 20, 2021.
Kaya dapat may ayuda raw ang mga taga-National Capital Region (NCR).
Nagpapatupad na rin ng ECQ sa dalawang lugar sa bayan ng Torrijos sa Marinduque.
Sinasabing ito’y bilang bahagi ng containment measures makaraang pumanaw ang dalawang senior citizens dulot ng COVID-19.
Sa isang executive order, kasama sa mga apektadong lugar ang Purok Sampaguita sa Barangay Maranlig at Sitio Milaor sa Barangay Poblacion.
Nabatid na may dalawang lalaking senior citizen daw na residente ng mga nasabing barangay na pumanaw dahil nga sa coronavirus.
Hindi nga lang binanggit ng municipal health office ng Torrijos kung anong variant ang tumama sa mga ito.
Ang mga lugar na nasa ilalim ng ECQ ay tinawag na critical zone habang ang may layo na 25-metro ay tinatawag na containment zone o nasa modified enhanced community quarantine o MECQ.
Kung hindi ako nagkakamali, nasa 24-hours ang curfew sa ECQ areas samantalang 6 p.m. hanggang 5 a.m. ang nasa MECQ at general community quarantine areas o GCQ.
Kung maaalala, unang isinailalim sa lockdown ang Barangay Tigwi noong July 9 hanggang July 24 habang nabatid na ang lugar na may layong 50-metro ay buffer zone at nasa ilalim ng GCQ.
Sa critical zone, bawal lumabas ng bahay maging sa mga boundaries kahit pa anong edad at may mga naka-antabay ding screening area sa lahat ng entry points, may harang ang boundaries, at sarado ang transit points.
Mayroon namang access daw sa essential na produkto at serbisyo.
Sa containment zone, bagama’t halos kahalintulad rin ng critical zone, pinapayagan ang 50 porsyento working capacity sa mga manufacturing at processing plants, maging sa opisina at establisimyento habang sa buffer zone ay pinapayagan ang movement ng tao at iba pa.
Open naman sa limitadong kapasidad ang transportasyon habang mayroon ding operasyon ang mga eskwelahan sa iba’t ibang learning arrangements.
Kaya sa harap ng ECQ sa ilang lugar sa bansa, nawa’y makiisa naman ang publiko para hindi na tumaas pa ang bilang ng COVID-19 cases lalo’t turismo ang pangunahing pinagkakakitaan ng ilan sa mga ito.
Ingat palagi, mga kababayan, at God bless!
* * *
AT para naman sa inyong mga reaksyon, suhestiyon, reklamo, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat at stay safe!
The post PANIBAGONG E.C.Q. NA NAMAN appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: