PINANGUNAHAN nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna nitong Sabado, July 31 ang pagbubukas ng drive-thru vaccination sa Quirino Grandstand sa Luneta kung saan may 400 ang nabigyan ng kanilang first dose.
Dumalo rin sa pormal na pagbubukas sina National Task Force (NTF) against COVID-19 Deputy Chief Implementor Secretary Vince Dizo, DOH-NCR assistant regional director Dr. Paz Corrales at Metro Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos, na pinuri ang sistema dahil sa mabilis at maayos na proseso matapos na personal nya itong maobserbahan.
Sina Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan, Manila Disaster Risk and Rescue Management Office chief Arnel Angeles, Manila Traffic, Parking Bureau chief Dennis Viaje at department of public services chief Kenneth Amurao, na magkakasamang namamahala sa iba’t-ibang aspeto nang pagpapatakbo ng drive-thru vaccination ay naroon din. Personal ding binakunahan ni Lacuna ang mga sakay ng mga unang pumilang mga sasakyan.
Sinabi ni Moreno na nagpunta at nagpasalamat sa mga sakay ng kotse dahil sa pagpapabakuna na ng mga ito, na sa ilalim ng sistemang itinatag ng IT (information technology) ng lungsod sa departmento sa ilalim ni Fortune Palileo, ang lahat ng mga interesado ay maaaring magpareserba ng kanilang slot sa pamamagitan ng pagrerehistro sa https://ift.tt/3cQKROp., binigyang diin din ng alkalde na walang walk-ins na tatanggapin.
Ayon pa sa alkalde, ang drive-thru vaccination site ay tatanggap ng reservations para sa nakatakdang bakuna sa loob ng dalawang linggo kabilang na ang weekends na katumbas ng 1,400 doses o 100 doses kada araw.
“Click ‘my record’ and once there, you will have to give your number, put your name and then you will get a prompt to protect your privacy. Put your OTP (one-time pin) and go to your account.
In your account, when you see the red portion blinking, pag meron nun ibig sabihin me nakatalagang bakuna sa drive-through Pag wala kayong nakikita ibig sabihin walang bakuna sa drive-thru or puno na,” sabi ni Moreno.
“Once registered, you may click and choose the date and then reserve. A message will then be sent to you which you may show when go to Luneta. If not registered, click red on top and go to ‘reserve,’ dagdag pa nito.
Sinabi ni Moreno na ang nasabing drive-thru vaccination site ay magbibigay ng bakuna sa pamamagitan ng first-come, first-served basis at bukas mula alas-7 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi.
Sa una, ayon kay Moreno ay tanging mga four-wheeled vehicles lamang muna ang maaaring makapagpabakuna ng libre sa drive-thru site dahil ayaw niyang mabasa kung umulan ang mga motorcycle riders at isapalaran ang kanilang kaligtasan sa pagmamaneho ng motor nang basa ang kalye at madulas.
Nasorpresa ang alkalde nang malaman nito na wala pang isang oras matapos ianunsyo sa live broadcast na bukas na reservation ay napuno agad ang slots para sa dalawang linggo. Inihalintulad ni Moreno ang bilis sa pagkakaubos ng slots nang magsagawa ng one peso-seat sale ang Cebu Pacific at Lazada sale.
Sinabi ng alkalde na maaring dalhin ng mga vehicle owners ang kanilang miyembro ng pamilya at kaibigan na hindi pa nababakunahan basta’t nakarehistro ang mga ito at nakapagreserba na. Gayunman, limitado lamang sa hanggang apat na katao ang bawat sasakyan.
Pinasalamatan ni Moreno ang dedikasyon ni Palileo, ng IT team at mga volunteers na tumulong upang maitatag ang bagong drive-thru system, at sinabing hindi gumastos ng kahit na isang sentimo ang lungsod sa pagtatayo nito.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Moreno kay Lacuna at Manila Health Department chief Dr. Poks Pangan at sa lahat ng bumubuo ng vaccinating teams dahil hindi ito nagrereklamo sa kabila na kailangang magtrabaho ang mga ito sa loob ng 14 na oras tuwing may vaccination day at kahit na holidays at weekdays.
Naroon din sa lugar ng drive-thru vaccination ang drive-thru free swab testing center ng lungsod para sa mga Manileño at hindi mga taga-Maynila. Ito ay may isang taon at kalahati ng nag-o-operate. Matatagpuan din sa lugar ang Manila COVID-19 Field Hospital na mayroong 344-bed capacity at pinamumunuan ni Dr. Arlene Dominguez.
“We will not stop adapting to challenges and making vaccination as comfortable to the residents as possible. This (drive-thru vaccination) can be a family event. Bring your family and friends,” panghihikayat ng alkalde. (ANDI GARCIA)
The post Drive-thru vaccination sa Maynila, binuksan sa motorista appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: