INIREKLAMO ang isang barangay kagawad ng pangbubugbog ng ilang kabataan na nahuling lumabag sa curfew sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Ang kagawad ay kinilalang si Michael Sio.
Sa ulat, mariin na itinanggi ni Sio ang paratang.
Aniya, tinatakot at inaambahan lang niya ang binatil-yong nasa isang cellphone video at hindi niya ito binubugbog.
Sa kuha ng video, makikita ang 15- anyos binatilyo na takot na takot habang pinapagalitan at inaambaan ng suntok sa loob ng barangay hall.
Dinig din sa video na ilang ulit minura ng kagawad ang binatilyo, hanggang sa dumating ang puntong napaiyak na ito.
Sa kuha naman ng CCTV ng barangay, makikitang ipinasok sa isang kuwarto ang binatilyo.
Matapos ang ilang minuto lu-mabas sila habang hawak sa buhok ng kagawad ang binatilyo. Isang lalaki ang nakitang sumuntok sa tagiliran ng biktima.
Isang kabarkada ng biktima ang nagsabing pati siya ay binugbog ng kagawad na amoy alak.
Pero ayon kay Sio, hindi totoong binugbog niya ang bina-tilyo. Aniya, paulit-ulit na lumalabag
sa curfew ang binatil-yong nasa video at mga kasamahan nito. Minsan pa raw silang hinarangan ng upuang kahoy ng mga ito.
Itinanggi naman ng ina ng binatilyo na hinarangan ng silya ang mga taga-barangay.
Desididong magsampa ng kaso ang mga magulang ng binugbog na binatilyo laban sa na-sabing barangay kagawad.
The post Bgy. kagawad nambugbog ng bagets na lumabag sa curfew inireklamo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: