Facebook

BONG GO KINA PACMAN, PIMENTEL: AYUSIN NATIN ANG GUSOT

IPINAYO ni Senator Christopher “Bong” Go sa ruling party Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan na hindi dapat magkaroon ng pagkakahati-hati sa partido kasabay ng kanyang panawagan sa mga kapwa miyembro na sila ay magkaisa sa likod ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin na ang paghihirap ng mga Filipino laban sa krisis na dulot ng pandemya.

Ginawa ni Go ang nasabing panawagan bago pa siya dumalo sa PDP-Laban national assembly sa Royce Hotel sa Clark Freeport Zone, Pampanga, kasama si Pangulong Duterte.

“Inaasahan ko na darating ang panahon na magkakasundo ang partido at patuloy (ang PDP-Laban) na maging ruling party. In fact, sa Senado (at Lower House) kami ang majority party. Sayang naman kung magkahati-hati kami … Ang daming governors, mayors at councilors. Mahigit 100,000 na ang mga miyembro,” ayon kay Go.

“Umpisa po, iilan lang ang miyembro. Nang nanalo si Pangulong Rodrigo Duterte, marami ang sumama. Naniniwala ako na kaya sila nandiyan ay dahil naniniwala sila sa liderato ng Pangulo. Sana maayos ang gusot,” anang senador.

Nananawagan si Go sa mga kapwa senador na sina Koko Pimentel at Manny Pacquiao na ayusin na ang anumang sigalot o gusot sa partido.

Sa national assembly, kagaya ni Go ay hiniling din ng Pangulo ang pangangailangan ng “united front” sa mga miyembro para maabot ng partido ang pagnanais na maisaayos ang kapakanan ng sambayang Filipino.

Hinimok niya ang kasapian na patuloy siyang samahan sa pagsisikap ng administrasyon na labanan ang korapsyon, kahirapan at COVID-19 pandemic.

“Your presence here sends a clear and resounding message to everyone that our party is as strong as ever and that we are united in further consolidating our ranks until the end of my term and beyond,” ayon sa Pangulo.

“Despite all the challenges we are facing, your unwavering support for this administration’s priorities, especially our campaigns against illegal drugs, terrorism, corruption and poverty, is truly reassuring. I am grateful for PDP-Laban’s continuous trust and confidence in my leadership. I also deeply appreciate your commitment to support whatever my decision may be for the 2022 national elections,” ang patuloy ni Duterte.

Sa nasabing national assembly, naghalal ng mga bagong opisyal na naglagay kay Energy Secretary Alfonso Cusi bilang pangulo ng PDP-Laban, kapalit ni Pacquiao.

Si Go, na nagsilbing national auditor ng PDP-Laban simula noong 2016, ay muling nahalal sa nasabing posisyon.

Umaasa si Go na magkakaroon ng kaayusan sa mga naging isyu sa mga miyembro ng partido sa pagsasabing nakahanda siyang pumagitna o magsilbing mediator para maiayos ang mga hindi pagkakaintindihan.

“Bilang malapit sa Pangulo at sa ilang miyembro ng partido, more than willing po ako na magpagitna. Iyan naman ang trabaho ko noon pa. Nung ‘di nagkaintindihan si Secretary Francisco Duque at Mayor Jerry Treñas, ako ang nakiusap sa kanila na pwede ba i-extend ang kanilang pasensya,” paliwanag ni Go.

Sinabi ng mambabatas na mas nais niyang maresolba ang gusot sa partido sa mas mapayapang paraan nang hindi humahantong sa bangayan sa pulitika.

Para kay Go, ang pagkakaisa ng mga lider ng bansa, partikular ng mga kabilang sa ruling party, ay kinakailangam para malagpasan ang pambansang krisis sa kalusugan.

“Ayaw ko munang tawaging faction sa ngayon. Gusto ko munang tawaging iisang PDP-Laban. Sana hindi na umabot sa puntong kailangan nang ipasa pa sa Commission on Elections o sa judiciary. Huwag naman. Masyado na tayong madidistorbo sa pulitika. Focus muna tayo sa laban kontra pandemya, kawawa ang Pilipino diyan,” ani Go.

The post BONG GO KINA PACMAN, PIMENTEL: AYUSIN NATIN ANG GUSOT appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BONG GO KINA PACMAN, PIMENTEL: AYUSIN NATIN ANG GUSOT BONG GO KINA PACMAN, PIMENTEL: AYUSIN NATIN ANG GUSOT Reviewed by misfitgympal on Hulyo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.