Facebook

Tokyo Olympics: Ligtas at matagumpay na kompetisyon, wish ni Bong Go sa Filipino athletes

Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na lubos silang nakasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipinong atleta na sasabak sa 2020 Tokyo Olympics kahit hindi sila makadadalo sa seremonya ng pagbubukas nito.

“Hindi na po, marami po tayong dapat unahin at masyado pong risky kung magta-travel po ang ating mahal na Pangulo sa ngayon. Importante po full support kami,” ang sabi ni Go.

“I’m sure si Pangulong Duterte, handa rin pong magbigay ng insentibo kung makakuha tayo ng medalya. Known naman po ang mga Pilipno na matatapang, magigiting at lumalaban. Let’s give the best, ang Pilipino lumalaban talaga ‘yan,” aniya.

Nauna rito, matagumpay na naiapela ni Go sa gobyerno na agad isama sa priority list para sa COVID-19 vaccination ang mga atleta at delegado na magpapartisipa sa Olympics.

Ang opening ceremony ay nakatakda sa July 23 at magtatagal ang kompetisyon hanggang August 8.

Noong 2020 pa sana naidaos ang olimpiyada kung hindi lang dahil sa pandemya.

Tinatayang nasa 11,000 atleta mula sa iba’t ibang bansa ang maglalaban-laban at ayon sa International Olympic Committee, nasa 85% sa kanila ang bakunado na laban sa COVID-19.

Umaasa si Go na ang sarili nating mga atleta ay makasusungkit na ng inaasama na unang gintong medalya.

“Ako, ineexpect ko na makakuha tayo ng ginto. Meron tayong ipapadalang 19 athletes.”

“Sana po ay manalo. We wish them good luck at ako naman po ay tiwalang kakayanin nating manalo at makakuha ng ating inaasam na gold medal para sa ating bayan. Dito lang po kami full support po kami sa ating mga atleta,” aniya.

The post Tokyo Olympics: Ligtas at matagumpay na kompetisyon, wish ni Bong Go sa Filipino athletes appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tokyo Olympics: Ligtas at matagumpay na kompetisyon, wish ni Bong Go sa Filipino athletes Tokyo Olympics: Ligtas at matagumpay na kompetisyon, wish ni Bong Go sa Filipino athletes Reviewed by misfitgympal on Hulyo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.