Facebook

2 Aeta na inakusahang terorista idinepensa ng PAO

SA masinsinang pagbusisi ay walang malakas na ebidensiyang magdidiin sa kasong ANTI-TERRORISM ACT OF 2020; kaya puspusang pagdepensa ang ginawang pagtulong ng PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE (PAO) para mapalaya ang dalawang inosenteng Aeta na nakulong sa OLONGAPO CITY.

Sa isinagawang PRESS CONFERENCE VIA ZOOM ng PAO, ang mga pinawalang sala ng korte ay sina JAPER GURUNG at JUNIOR U RAMOS na ayon kay PAO CHIEF PERSIDA ACOSTA ay nitong July 15 natanggap ng kanilang ahensiya ang kopya sa pagpapawalang-sala sa 2 inakusahang mga terorista.

Gayunman, sa PRESSCON VIA ZOOM kahapon ay nananatiling nasa piitan pa ang dalawang pinawalang sala dahil hinde pa umano naisasaayos ang RELEASE ORDER.., na inihayag kahapon ni ACOSTA, na dapat inasikaso agad ang pagpapalaya at hinde na dapat pang pahabain ang siphayo ng 2 Aeta, sa halip ay palayain na agad ang mga ito.

Ang DISMISSAL sa kaso ng 2 Aeta ay bunsod sa inihain ng PAO na “Demurrer to Evidence” dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya laban sa mga inakusahan. Hinde positibong itinuro o nakilala ng mga sundalo ang mga akusado.., at dahil sa kawalan ng nagtuturo na ang mga akusado ay terorista ay lumalabas na kaduda-duda ang mga ginawang “search” lalo na sa mga sinasabing napagkukumpiska sa nasabing mga Aeta.

Kinatigan ng korte ang argumento ng mga akusado at ipinuntong wala talagang positive identification sa mga ito.

“After a careful examination of the records, the Court holds that the prosecution failed to discharge the burden of proving the identities of the accused as the perpetrators of the crime of Section 4 ng Republic Act No. 11479. Thus the case for violation of of this law against the accused must be dismissed,” bahagi ng nilalamang desisyong ginawa ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 97.

Ang 2 Aeta ang kauna-unahang naakusahan sa paglabag sa Anti-Terrorism Act of 2020…, na bago sila natulungan ng PAO ay ang NATIONAL UNION OF PEOPLES LAWYERS (NUPL) muna ang nagtatanggol sa mga ito.

“There is no lawful arrest of the accused. Thus the warrantless search on the accused is invalid. Consequently, the shotgun ammunition, grenade, 7.622mm ammunition and instruments used for detonation seized from the accused are rendered inadmissible under the exclosiunary principle in Article III Section 3(2) of the Constitution. Considering that there is no more evidence to support the conviction of the accused, the case for violation of R.A. No. 10951 of the “Comprehenaive Firearms and Ammunition Regulation Act” and P.D. No.1866 as ammended by R.A. No. 9156 against them must be dimissed.” pagpupunto pa ng korte hinggil sa mga sinasabing nakumpiska mula sa akusado na naaresto noong August ng nakaraang taon.

Ang mga ganitong pangyayari ang daoat ay nababago sa sistema ng ating LAW ENFORCERS na huwag basta nananagasa o nagsasagawa ng operation kung walang sapat na ebidensiya.., dahil nasasayang ang “effort” at kung “planted evidence” naman ay lalong dapat mawala sa sistema ng mga operatiba.

Sa ganiyang klase ng operasyon.., kung raid sa pamamahay ay ang mga kapamilya ang unang dadanas ng TRAUMA, na kung magkamali ang mga operatiba ay hinde na nila maibabalik pa ang dating normal na buhay dahil nakaukit na iyon sa kaisipan at alaalang TRAUMA sa pamilya ng mga sasalakayin o sinalakay. Dapat, ang mga ganitong sitema ang kailangan pang linangin ng ating mga mambabatas upang maiwasan ang TORTURE na dinadanas ng mga inaakusahan gayundin ng kanilang mga kapamilyang makasasaksi sa kabagsikan o mula sa panunutok ng mga baril ng mga nagsasagawa ng raid!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post 2 Aeta na inakusahang terorista idinepensa ng PAO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 Aeta na inakusahang terorista idinepensa ng PAO 2 Aeta na inakusahang terorista idinepensa ng PAO Reviewed by misfitgympal on Hulyo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.