Facebook

Sino-sino sa mga opisyal ng Mindoro ang malaki ang pakinabang sa operasyon ng jueteng?

ANYARE sa banta noon ng tanggapan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na gugulong ang ulo ng mga lokal officials kung hindi masasawata ang ilegal na sugal lalo na’t humaharap ang bansa sa pandemya dulot ng COVID-19.

Ipinag-utos ni DILG Secretary Eduardo Año na imbestigahan ni DILG Barangay Affairs Office Usec Martin Diño ang mga barangay official at Mayor’s dahil sa mga rekalmong natatanggap ng ahensiya sa diumanoy pagpapabaya ng mga ito sa talamak na operasyon ng Peryahan Ng Bayan cum jueteng, namay dalawang beses ang bolahan sa isang araw umaga at gabi na diumanoy pinatatakbo ng GLOBAL TECH na may prangkisa sa Pangasinan.

Ito ay bunsod na rin sa paglutang ng “untouchable” ng Jueteng Lord na alyas TONY ONG na siya ring may hawak ng jueteng operation sa Pangasinan.

Tiniyak din ni Secretary Año na ang kanyang banta ay hindi limitado sa probinsiya ng Oriental Mindoro kundi maging sa mga lugar na mayroon ilegal gambling na ginagawa.

Sinabi ni Año na ang malawakang pagsugpo sa ilegal na sugal ay bunsod na rin sa Executive Order No.13 ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa gambling free.

Ang nakapagtataka’y base sa reklamo ay hindi umano pinapansin ng lokal na kapulisan sa kabila ng kautusan ni Pangulong Duterte na puksain ang lahat ng uri ng iligal na sugal sa buong bansa at tila binabalewala umano ito ayon sa mga nagpaabot ng reklamo sa BALYADOR kung saan maging ang “marching order” ni PNP Chief Gen Guillermo Eleazar. Kamakailan nagpatupad ng malawakang balasahan sa pwesto sa mga heneral hangggang sa senior official level ang PNP Chief.

Kabilang sa mga senior officer na nabigyan ng bagong posisyon ay si PBGen Nelson Bondoc Jr., kung saan pinalitan nito si PBGen Pascual Muños.

Maganda ang naging kapalaran ni Police Brigider General Nelson Bondoc na pamunuan ang mga pulo na sakop ng MIMAROPA region, na bukod sa maunlad at mapayapa kaysa ibang rehiyon sa bansa ay marami ring mga galanteng negosyante at pulitiko dito.

At higit sa lahat, balitang-balita ang ‘malaking biyayang’, tinatawag ng mga pulis sa MIMAROPA na “PASALUBONG.”

Kung may napapaulat noon na may nakalaang “PABAON” sa mga magreretirong heneral ay mayroon din naman para sa mga bago o nakaupo palang, ito ang tinatawag na “PASALUBONG”.

Dapat pag-ingatan ni Gen Nelson Bondoc, ang mapang-anyayang kaway ng “PASALUBONG” na umaabot sa milyong piso ang halaga.

Ayon sa ating impormante, kung may mangahas na maglalakas loob sa MIMAROPA Regional Office na mag-usisa hinggil sa “PASALUBONG” malamang ay magsasayang lamang ang panahon pagkat wala namang aamin sa nagaganap na kalakaran dito.

Ngunit ito umano ay naging bahagi o tradisyon ng kapulisan sa nasabing kampo, ayon sa ating source.

Ayon pa sa source, nasa kamay na raw ng mga galante ngunit tiwaling pulitiko at karantso ng iilang mga “scalawag police officials” sa MIMAROPA na nagkaroon ng malaking “PASALUBONG”?!

Kaya nga raw namamayagpag pasugal na 1-40 numbers game ang naturang GABLING LORD.

Pumalo nanga raw sa mahigit na Php 2.5 milyon ang kubransa kada araw na bola ng PERYAHAN NG BAYAN cum Jueteng sa Oriental Mindoro na kinabibilangan ng mga bayan ng Puerto Galera, Baco, San Teodoro, Naujan, Socorro, Pola, Pinamalayan, Bansud, Bongabong, Mansalay, Gloria, Roxas, Bulalacao at Calapan City.

Ibig sabihin tumataginting na milyones ang kubransa sa isang araw na operasyon ng PERYAHAN NG BAYAN cum jueteng namay dalawang bola sa isang araw, sa umaga at gabi?

Ayon sa source, pinalilitaw ng Global Tech na kunyari ay lihetimong operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sponsored – Perya ng Bayan (PnB) ang kanilang pa-jueteng sa naturang lalawigan na may permit diumano ni PCSO General Manager Royina Garma ang kanilang pasugal sa Oriental Mindoro.

Mahigpit ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang lahat ng operasyon ng illegal gambling sa buong bansa kung saan naglabas ito ng Executive Order No.13 at sa kabila ng kinakaharap na problema ng gobyerno dahil sa banta ng Delta Variant ng COVID-19 ay tahasang nilalabag umano ito ng Global Tech, ayon pa source.

Kalahati umano ng kabuuang kubransa sa PERYAHAN NG BAYAN cum jueteng ay naibubulsa ng mga jueteng protektor sa tanggapan ng Police Regional Office, Provincial Police Office, local police office at local government units at maging ng mga barangay captain?!

Ilang milyon kaya ang maiipon sa loob ng isang taon bilang buwanang “PAYOLA” ang natatanggap ng iilang tiwaling opisyal sa nasabing lalawigan sa loob ng dalawang bola ng jueteng kada araw?

Alam ng provincial government, provincial police office at LGUs na labag sa batas ang illegal gambling, ngunit di natin matiyak kung batid nga nila ito?

Ayon sa source nagsimula ang operasyon ng (Jueteng) Peryahan ng Bayan draw ng Global Tech ay noong June 1, 2020.

Dagdag pa ng source, tumataginting na Php 4-milyon kada buwan sa operasyon ng PERYAHAN NG BAYAN cum Jueteng ang tinatanggap ng isang mataas na opisyal sa nasabing lalawigan na sinasabing sa UTOL nito dumadaan ang BUWANANG PAYOLA?!

Subaybayan natin!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.

The post Sino-sino sa mga opisyal ng Mindoro ang malaki ang pakinabang sa operasyon ng jueteng? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sino-sino sa mga opisyal ng Mindoro ang malaki ang pakinabang sa operasyon ng jueteng? Sino-sino sa mga opisyal ng Mindoro ang malaki ang pakinabang sa operasyon ng jueteng? Reviewed by misfitgympal on Hulyo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.