PINANGUNAHAN nina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang groundbreaking ceremony ng ten-storey Rosauro Almario Elementary School sa Tondo at ipinangako rin ng alkalde na simula pa lamang ito ng pagbabago sa mga public schools upang pumantay sa mga private schools sa Maynila.
Nabatid na sa mismong paaralang ito nagtapos ng elementarya si Moreno, may 33-taon na ang nakakaraan.
Present din sa nasabing okasyon sina Division of City Schools Superintendent Magdalena Lim, school principal Graciano Budoy, City Engineer Armand Andres at City Architect Pepito Balmoris.
Sa kanyang talumpati ay sinabi ni Lacuna na, marunong lumingon sa kanyang pinagmulan ang alkalde at may totoong malasakit sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan.
Ayon kay Moreno, bilang 100 porsyentong produkto ng public school, alam niya kung paano pupunuan ang namamagitan sa public at private schools upang madama naman ng mga hindi masyadong pinalad na mga mag-aaral ang nararanasan ng mga nasa private schools.
Sa ilalim ng plano, ang bagong ten-storey R. Almario Elementary ay magiging fully-airconditioned, may maluwag na 227 classrooms , 12 offices, library, canteen, auditorium, gymnasium, outdoor basketball court na may retractable goal para mai-convert sa football field , stairs node, roofdeck outdoor sport, exercise area at elevator units na kasya ang 24 katao.
Sinabi pa ni Moreno na nasa P1.9 billion ang inilaang budget sa pagtatayo ng bagong Rosauro Almario Elementary School; P2 billion naman para sa Dr. Alejandro Albert Elementary School at P1.3 billion para sa konstruksyon ng Manila Science High School.
“We want to empower the public education system via good facilities and an environment that is conducive to studying by putting all the necesary ingredients,” sabi ng alkalde.
Sinabi pa ni Moreno na nais niyang maranasan ng mga mag-aaral ng Tondo ang hindi niya naranasan noong kanyang kabataan at kung ano ang nararanasan ng kanyang mga anak ngayong may kakayahan na siyang papagaralin ang mga ito sa pribadong paaralan. (ANDI GARCIA)
The post Groundbreaking ng 10-storey Rosauro Almario Elem. School, pinangunahan nina Isko at Honey appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: