NAKAKADIRI ang pahayag ni Rodrigo Duterte noong Sabado sa general assembly ng paksyon ni Pons Cusi sa PDP-Laban na tatakbo siya bilang pangalawang pangulo sa halalan sa 2022 upang makatakas sa anumang pananagutan sa malawakang patayan, o mga EJKs, kaugnay sa madugo ngunit bigong digmaan kontra droga.
Takot na takot ang tila baliw na lider na papanagutin siya ng International Criminal Court (ICC) sa walang habas na patayan ng mga taong pinaghinalaang sangkot sa paggamit at pagtutulak ng ilegal na droga. Hindi niya kontrolado kung paano kikilos ang sakdal sa kanya na crimes against humanity na isinampa sa ICC ni Sonny Trillanes at Gary Alejano noong 2017.
Sa ilalim ng Saligang Batas, sinasabing mayroon immunity from suit ang presidente at bise presidente. Hindi sila maaaring ihabla sa anumang hukuman sa Filipinas. Pinasusungalingan ito ng ilang kilalang abogado na bihasa sa constitutional law. Hindi totoo ito, anila.
Wala umano immunity from suit ang bise presidente sa ICC na isang pandaigdigang hukuman na itinatag noon 202 sa ilalim ng tratadong Rome Statute. Ayon sa mga eksperto, naniniwala si Duterte sa opinyon ni Herminio Roque, alyas Harry Roque, na hindi magaling sa international law. Mas maganda kung humingi siya ng opinyon sa ibang abogado na may mas magandang reputasyon kay Harry Roque.
Mukhang hindi alam ni Duterte ang implikasyon ng kanyang pahayag. Hindi niya pinag-isipan at basta na lamang ibinuga. Kung susuriin, inamin ni Duterte na totoo ang mga bintang na siya ang nag-utos ng maramihang pagpatay sa mga taong lulong sa droga. Inamin niya na hindi dumaan ang mga patayan sa tamang proseso ng batas.
Walang pangingibabaw ng batas (rule of law) sa mga patayan at digmaan kontra droga. Pinatay sila batay lamang sa hinala at haka-haka na nasagap ng pulisya. Karamihan sa kanila ay mga mahihirap na walang lakas upang bumangga sa kapangyarihan ni Duterte.
Maraming Filipino ang nag-akala na matapang si Duterte at isa ito sa mga dahilan kaya nanalo siya noong halalan ng 2016. Duwag siya at tumatakbo sa laban at pananagutan. Lumabas na matapang lamang siya sa mga mahihina at walang lakas, ngunit takot kapag kaharap ang makapangyarihan tulad ng ICC at China.
Mukhang hindi batid ni Duterte na iba na ang martsa ng kasaysayan. Umiimbulog ang isang pandaigdigang sistema ng katarungan kung saan hindi na basta makakapang-abuso ang mga lider ng iba’t-ibang bansa. Hindi na nila basta magagawa na patayin ang kanilang mamamayan ng hindi pinaparusahan ng isang kinikilalang pandaigdigang hukuman.
Nandiyan ang ICC upang dinggin ang mga reklamo sa pang-aabuso sa poder ng mga lider ng mga bansa. Umiimbulog na ang international criminal law bilang batayan ng reklamo laban sa mga abusadong lider.
Isa ang ibig sabihin kung bakit tatakbo silang bise presidente sa 2022. Nais niyang manatili sa poder. Ayaw niya itong bitawan sa labis na takot na marami ang gaganti sa kanya. Kasama sa kanyang plano na palitan niya ang mahahalal na pangulo kung mahahalal din siyan bise presidente sa 2022. Marami ang gaganti sa kanya sa sandaling umalis siya ng Malakanyang at bumalik sa Davao City.
***
HUWAG padadala sa mga sabi-sabi na malakas ang China. May post sa social media at maganda na mabasa na lahat. Limitado ang karanasan ng China sa digmaan. Pakibasa:
REALITY CHECK
CHINA’S military is flooding social media of video clips about its military might. But China has limited war experience. It’s doubtful if it has sufficient and sustainable military doctrines, unlike the U.S., which has been involved in every conceivable modern war. In war, it’s a battle of doctrines.
Its war experience is limited to its limited participation in the Korean War in the 1950s. Its “human wave” infantry attacks of its army is an outmoded doctrine that would not stand a ghost of a chance in modern warfare. Also, its war experience is limited border skirmishes with its neighbors like India, Vietnam, and Russia. Moreover, its subjugation of the ethnic Tibetans and Uighurs could not be considered modern warfare.
China has a cultural – or even civilizational – mindset to produce clones o anything substandard so long as it’s cheap, handy, and easily available. It has never learned to strive for the best or to be on top of the line. Now, they want to rule the world.
It’s doubtful if China has its modern version of doctrine of overwhelming force, which the U.S. has used in the Gulf War in the late 1990s, or the doctrine of supreme mobility, which although its did not have the gargantuan multinational force in the 2000s, was used efficiently to subdue Iraq.
***
QUOTE UNQUOTE: “Tila nawawala ang tapang ‘pag accountability na ang usapan. Naging biktima ang buong Pilipinas sa pagmamalabis, drama, at pambobola mo, kaya naniniwala ako na hindi na ito papayagang muli ng mga Pilipino. At kung malusutan mo man ang batas ng tao, hindi ka makalalampas sa batas ng Diyos namin na tinawag mong stupido. Nga pala, Mr. Duterte, walang immunity ang bise-presidente.” – Rep. Manuel Cabochan III, Magdalo Party List
“Si Kiko [Pangilinan] walang ibang mensahe kundi wait. Pinagkakaisahan nila ni Leni [Robredo] ang sambayanan. Puro na lang hintay.. Wala naman silang ginagawa kahit anong paghahanda sa 2022.” – PL, netizen
“Name one Duterte supporter or defender who is humble and kind, noble and intelligent, ethical and moral. You can’t do it.” – Roly Eclevia, netizen
“Kung inamin ni Duterte na tatakbo siya para lang magkaroon ng immunity from lawsuits, isn’t that a mockery of the election process? Hindi ba grounds ‘yan para ideklara siyang nuisance candidate? Hello, COMELEC!” – Ogie Rosa, netizen
“Nothing is more dangerous than sincere ignorance and conscientious stupidity. Look at who is [Harry] Roque today. Look at the trolls. They flood the internet space with their much-thwarted opinions – a mindset full of impertinence and lies.” Jed Q. Cepe, netizen
The post Kadiri appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: