Facebook

Saan napunta ang pondo ng health workers sa Quezon?

DIRETSAHANG tanong ‘yan hinggil sa pondong nakalaan sa health workers ng Quezon dahil hindi malaman kung saan napunta ang milyun-milyong salapi, samantalang hindi naman sila nagpabaya sa kanilang trabaho, tungkulin at obligasyon sa mamamayan ng lalawigan.

Dahil ayaw sagutin nang diretso at eksakto ng pamahalaang panlalawigan, malaking palaisipan ngayon sa mamamayan ng Quezon kung saan napunta ang pondong inilaan ng Sangguniang Panlalawigan upang ipansuweldo sa mga health worker at magkaroon din sila ng pondo para sa kanilang mga pangangailangan.

Naging matalinhaga ang naturang pondo makaraang matuklasang mayroon nang pondo at tumaas pa nga ang alokasyon ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon hindi lamang bilang pasuweldo sa mga health worker, kundi maging sa lahat ng mga kawaning regular at kontraktuwal sa nasabing lalawigan.

Sapat din ang pondong inilaan ng pamahalaang panlalawigan na paggastos sa lahat ng medical equipment na ginagamit ngayon para laban sa COVID – 19.

Nakasaad mismo sa Quezon province website ang badyet ng lalawigan na malinaw na gumastos ng mahitit P102 milyon ang lokal na pamahalaan sa personal services noong 2019 kumpara sa mahigit P88 milyong gastos nito noong 2018.

Pokaragat na ‘yan!

Bunga ng “streamlining policy” ng pamahalaan, ipinanukala sa 2020 badyet na nararapat gumastos ang lalawigan ng P75.5 milyon para sa personal services.

Sa deliberasyon ng 2021 badyet, natuklasan ni Bokal Sonny Ubana, majority floor leader at pito pang board members ng Sangguniang Panlalawigan na tinagpas ni Quezon Governor Danny Suarez ang badyet para sa mga hospital ng mahigit 20 porsiyento.

Ngunit, hindi isinama ang dalawang ospital na pag-aari umano ng kaalyado umano ni Suarez sa pulitika.

Ito’y sa kabila ng mismong deklarasyon ng gubernador na pagtutuunan niya ng pansin ng Quezon ang paghahatid ng serbisyo sa mamamayan upang maagapan at mapigilan ang paglala ng mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Ayon kay Ubana, hindi ito ang naging tuon ng badget ng lalawigan.

Bagkus, maraming items sa badyet ang inilaan sa pagpapagawa ng mga kalsada, daan at basketball courts na ‘di tugma sa pangangailangan ng mamamayan ng Quezon.

Makaraang busisiin ng Sanggunian ang badyet ni Gobernador Suarez, natuklasan din na mayroong 200 milyong piso hanggang 300 milyong pisong kuwestyonableng budgetary items dahil hindi malinaw kung saan pupunta.

Pokaragat na ‘yan!

Ani Ubana, ipinagbabawal ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG), sapagkat kailangang malinaw ang pagkakagastusan ng lalawigan.

Kailangang sapat ang impormasyon nito hinggil sa eksaktong paglalagyan ng badyet, o kung saan mapasasakamay ang badyet.

Mayroong nakalaang P655 milyong pondo ang Tanggapan ng Gubernador sa lalawigan ng Quezon.

Dagdag pa ni Ubana sa panayam sa kanya sa Dos por Dos sa DZRH, walang naiba sa pagkakagastusan ngayon sa lalawigan sa ilalim ng tinatawag na “re-enacted budget”.

Tuluy-tuloy dapat ang pasuweldo sa mga empleyado ng kapitolyo, lalo na ang mga frontliner tulad ng health workers.

Kailangang tanungin ang ama ng lalawigan kung nasaan ang pondong inilaan para sa mga pangangailangan ng mga health worker bilang kanilang suweldo at pondo sa mga personal protective equipment (PPEs) na siyang pinaglaanan na ng pondo noon pang 2020.

Bakit tila iniipit ng gubernador ang badyet?

Inilalaan ba niya sa ibang bagay ang pondo?

The post Saan napunta ang pondo ng health workers sa Quezon? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Saan napunta ang pondo ng health workers sa Quezon? Saan napunta ang pondo ng health workers sa Quezon? Reviewed by misfitgympal on Hulyo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.