Facebook

Naging kurap naba ang PSA?

ITO ngayon ang mga katanungan ng mga iilang mamayan dahil ang pagbabago ng kanilang mga pangalan ay wala pa na ito’y lampas na ng isang taon at ang iba may mahigit dalawang taon na.

Ito ang mga naranasan nina Weng Ermita, paumangkin ni Cirila Genayas at ni Teresita Junco Aronson.

Ayon pa ni Ermita may mahigit dalawang taon na ang nakalipas na kanyang sinasabmit o ibinigay ang mga kailangang dokumento para mapalitan ang kanyang pangalan dahil itong ginagamit niyang pangalan sa kasalukuyan o sa kanyang pag-aaral ay hindi iba sa baptismal certificate.

Hinihintay na mabago na maiayos na nang Philippine Statistics Authority (PSA) subalit hanggang ngayon wala pa siyang natanggap kung ito’y napalitan na nitong ahensiya.

Gayon din sa paumangkin ni Cirila Genayas na nagpapalit din sa kanyang pangalan dahil ito’y nag apply para mangibang bansa.

Sambit pa niya na ang binayad lamang ng paumangkin niya sa manananggol ay P2,000 lamang. Gayon din pahirapan ang pagkuha ng authentic birth certificate sa PSA, dagdag pa niya.

Ganito din ang nangyari sa pagkuha ng authentic birth certificate ni Teresita Junco Aronson na magdadalawang taon na at hindi pa nabago ang kanyang birth certificate.

Una kasi hindi nila tinanggap ang NBI clearance dahil ang requirement ay local police clearance at wala ding certificate ng non-employment.

Naisubmit niya ang requirement pero hanggang ngayon wala pa itong natanggap na kailangan na niya.

Mabuti sana kung barya-barya lamang ang binayad niya sa civil registrar ng kanyang tinubuang bayan kundi mahal masyado umabot sa P10,000.

Kaya pinarating niya sa PSA na kailangan naman silang umaksyon at huwag ibinbin ang ganitong dokumento na mahalaga ito sa pag travel.

The post Naging kurap naba ang PSA? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Naging kurap naba ang PSA? Naging kurap naba ang PSA? Reviewed by misfitgympal on Hulyo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.