Facebook

Bong Go: Mindanao backdoor isara sa Delta variant

NANAWAGAN si Senator Christopher “Bong” Go sa mga kinauukulang awtoridad na higpitan ang boarder patrol at isara ang backdoor sa Mindanao kasunod ng ulat ng Department of Health na may lokal na kaso ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

Nilinaw ng DOH na ang ‘local case’ ay nangangahulugan na ang Delta variant ay na- detect sa isang indibidwal na hindi kinaklasipikang returning overseas Filipino (ROF).

Ang ‘local transmission’ ay nangangahulugang may ebidensiya na ang nasabing kaso ay humawa o kumalat mula sa isang local case patungo sa isang indibidwal.

Ibinabala ni Go na bagama’t wala pang katibayan na ang Delta variant ay “locally transmitted”, patuloy na dapat maging maingat at mapagbantay ang publiko, huwag maging kampante lalo’t ang lokal na kaso ay posibleng makahawa.

Dahil dito, iginiit ng senador sa Philippine Coast Guard na lalo pa nitong palakasin ang maritime patrols, partikular sa Mindanao backdoor entries, para maiwasan ang pagpasok at pagkalat ng Delta variant, lalo’t patuloy sa paglobo ang COVID-19 cases sa mga kalapit nating bansa sa Southeast Asian.

“May nagsabi po na four times more contagious o 40% to 60% na nakakahawa itong Delta variant at ‘wag na nating hintayin pang kumalat ito sa ating bansa. Kung maaari po ay paigtingin pa natin ang ating border patrol, lalo na via backdoor sa Mindanao,” sabi ni Go.

“Kita niyo ang nangyari sa Indonesia, tumaas ang kaso, magsasara na naman sila. Pag-aaralan din po ng gobyerno ang pagsasara sa mga travel po sa mga bansa na may tumataas na kaso,” idinagdag niya.

Upang tuluyang maiwasan ang pagkalat ng Delta COVID-19 variant, ibinawal na ng Pilipinas ang pagpasok ng mga bisita mula sa Indonesia.

Epektibo ito simula July 16 hanggang July 31.

Sa Bloomberg news report, itinuturing ngayon ang Indonesia na bagong epicenter ng pandemya sa Asya matapos nitong malagpasan ang India sa dumaraming nagpopostibo sa virus.

Sinabi ni Go na hindi na kakayanin pa ng pamahalaan na maibalik ang bansa sa mas mahigpit na namang community quarantine, lalo ngayong unti-unti nang nakababangon ang ekonomiya ng bansa.

“Konting tiis na lang po, maganda ang takbo, may tendency kasi na kapag niluwagan, kumpiyansa na naman. Marami pong kababayan natin ang mawawalan ng trabaho kapag nagsara ang ekonomiya,” ani Go.

Tiniyak ni Go na kapag naabot ng bansa ang population protection at herd immunity, ang lahat ay makababalik na sa normal.

“Si Pangulong Duterte, mas sigurista po ‘yan. Tingnan n’yo, face-to-face classes, diretso agad siya, outright ‘no’ agad siya. Ako, ‘no vaccine, no face-to-face classes’,” ani Go.

“Sa atin dito sa Pilipinas, ‘di pa bakunado ang bata dahil ‘di pa tayo umabot sa bata. What if may magpositibo sa mga bata at magspread ‘yan so sangkatutak na naman ang trabaho ng ating mga government employees, back to scratch na naman tayo, back to zero,” anang mambabatas na palaging ipinapaalala ang kahalagahan ng bakuna.

“Habang nandiyan pa po, mag-ingat tayo. Napakahirap po maraming apektado kung pabaya tayo. Tiis pa po tayo. There is light at the end of the tunnel,” aniya.

The post Bong Go: Mindanao backdoor isara sa Delta variant appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: Mindanao backdoor isara sa Delta variant Bong Go: Mindanao backdoor isara sa Delta variant Reviewed by misfitgympal on Hulyo 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.