Facebook

Bong Go sa publiko; ‘Wag magpapetek-petek sa Delta variant

HABANG patuloy na binabalans ng pamahalaan ang pagpoprotekta sa kalusugan ng Filipino at pagbabangon sa ekonomiya, nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na huwag magpapetek-petek o magpakakampante laban sa lumalakas na Delta variant ng COVID-19.

“Huwag po tayo magkumpyansa lalo na’t may local transmission na ng Delta variant. Patuloy po tayong mag-ingat, sumunod sa mga patakaran, at makipagtulungan sa ating gobyerno,” idiniin ni Go.

“Ang inyong disiplina, kooperasyon at malasakit sa kapwa ay importante para malampasan natin ang mga pagsubok na ito,” idinagdag ng senador.

Ayon kay Go, ang ginagawang paghihigpit sa health protocols, gaya ng testing, contact tracing, isolation at iba pang COVID-19 response measures, ay lalong dapat paigtingin kasabay ng pagpapatupad ng istriktong border controls pagpapalawak ng health service delivery.

“Dito naman sa atin, dapat mas higpitan ang pagpapatupad ng mga kasalukuyang health and safety protocols, katulad ng tamang pagsusuot ng mask at face shield, palaging paghuhugas ng kamay, pagsunod sa social distancing at hindi paglabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan,” ayon kay Go.

Muli rin niyang hinikayat ang economic frontliners, lalo ang public transport workers na magpabakuna na kung sila ay eligible o kabilang sa A4 priority group.

“Magtiwala ho kayo sa bakuna. Huwag ho kayong matakot sa bakuna. Ang bakuna po ang tanging susi o solusyon para unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay,” ayon sa mambabatas.

Ang mga pahayag na ito ay ginawa ni Go sa habang ang kanyang grupo ay nagsasagawa ng pamamahagi ng ayuda sa may 2,000 Tricycle Operators and Drivers Association members sa Caloocan City sa magkasunod na araw.

Sa kanyang video message, lubos na pinasalamatan ni Go ang mga beneisyaryong tricycle drivers at operators sa kanilang patuloy na pagsisikap na mabuhay ang kani-kanilang pamilya at makapasilbi sa komunidad.

“Alam ko pong mahirap ang panahon ngayon. Napakahirap. Marami pong nawalan ng trabaho, marami pong nagsara na negosyo, ‘yung mga ruta ninyo medyo hirap po talaga. Magtulungan lang po tayo,” ani Go.

Isang residente, si Daisy Gamboa, ang pinasalamatan si Pangulong Rodrigo Duterte at Go sa mga ibinigay na tulong sa kanila.

“Salamat, Presidente Duterte at kay Senator Bong Go, sa ibinigay ninyo. Malaking tulong po ang naibigay ninyo sa amin ngayong pandemya,” sabi ni Gamboa.

“Natutuwa ako sa sapatos na natanggap ko. Maraming maraming salamat po,” dagdag niya.

“Mga kababayan ko dito sa Caloocan, kami po ang magpasalamat sa inyo dahil binigyan n’yo po kami ng pagkakataon na makapagserbisyo po sa inyong lahat. Kaya hinding-hindi namin sasayangin ang pagkakataon na ‘yan,” ang tugon naman ni Go.

The post Bong Go sa publiko; ‘Wag magpapetek-petek sa Delta variant appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go sa publiko; ‘Wag magpapetek-petek sa Delta variant Bong Go sa publiko; ‘Wag magpapetek-petek sa Delta variant Reviewed by misfitgympal on Hulyo 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.