Facebook

Creamline wagi vs PLDT sa PVL Open

NAITALA ng Creamline ang kanilang ikaapat na sunod- sunod na tagumpay, matapos dominahin ang walang panalo na PLDT, 25-16,25-12,25-13, sa Premier Volleyball League Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic and Cultural Center.

Pinamunuan nina Alyssa Valdez at Jia Morado ang opensiba ng Cool Smashers para mapanateli ang kanilang malinis na rekord at parusahan ang Power Hitters sa kanilang ika-apat na kabiguan.

Nagpakitang gilas si Celine Domingo sa kanyang unang salang sa Creamline habang si Jeanette Panaga ay nagpapagaling ng kanyang right ankle sprain na natamo sa kanilang five set victory laban sa Black Mamba-Army nitong Huwebes.

Ang Cool Smashers ang nangunguna sa 10-team tournament at pinalawak ang kanilang winning streak sa 24 matches simula August 11.2019.

The post Creamline wagi vs PLDT sa PVL Open appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Creamline wagi vs PLDT sa PVL Open Creamline wagi vs PLDT sa PVL Open Reviewed by misfitgympal on Hulyo 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.