Facebook

Irish Magno, ‘wagi vs Kenyan boxer

UMUSAD na sa “round of 16” ng Women’s Flyweight Division ang Pinay boxer na si Irish Magno.

Sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics kahapon araw ng Linggo sa Kokugikan Arena, dinaig ni Magno si Christine Ongare na mula sa Kenya.

Isang unanimous decision victory ang nakamit ng pambato ng Pilipinas kung saan 5-0 ang iskor mula sa judges.

“She stuck to the fight plan and delivered with a flourish,” ang tweet ni Ed Picson na siyang secretary-general ng Philippines boxing federation.

Kasunod ng panalo ni Magno, dalawang Pinay na ang pasok sa round-of-16 kung saan ang isa ay si Nesthy Petecio.

Ngayon araw ng Lunes, July 26, ang sunod na laban ni Nesthy kay Ling Yu Ting

The post Irish Magno, ‘wagi vs Kenyan boxer appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Irish Magno, ‘wagi vs Kenyan boxer Irish Magno, ‘wagi vs Kenyan boxer Reviewed by misfitgympal on Hulyo 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.