PATULOY ang pakikibaka para sa lone world champion gymnast ng Pilipinas na si Carlos Yulo kahit pa bigo siyang makakuha ng final spot sa floor exercise event.
Pasok pa rin si Yulo sa finals sa men’s vault event ng men’s artistic gymnastics.
Ito ay kasunod na rin ng kanyang performance kahapon sa Ariake Gymnastics Centre.
Sa naturang event, nakakuha si Yulo ng 14.712 record sa vault, dahilan para makuha niya ang puwesto sa top 6 spot sa finals na gaganapins a Agosto 2 ng alas-5:30 ng hapon, oras sa Pilipinas.
Kahapon, sa floor exercise event, nakakuha lamang ng 13.566 points si Yulo, pang-44 sa lahat ng mga atleta.
Pang-47 naman siya sa individual all-around final berth matapos makakuha ng total na 79.931 points.
Pagdating naman sa rings, nakuha ni Yulo ang 24th place sa score na 14.0000.
Nakakuha naman siya ng 13.466 sa parallel bars para sa 55th place, at pang-63 sa horizontal bars matapos makuha ang 12.300 score.
Sa pommel horse, mayroon namang 11.833 score si Yulo
The post Olympics: Yulo pasok sa finals ng men’s vault appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: