Facebook

TANDAAN ANG MGA POLITIKONG PAHIRAP SA BAYAN

MAHAL na mahal (kuno) ng mga trapo at epalitiko ang sektor ng mahihirap sa bayan ni Juan.

Partikular kapag election fever na. Daig pa nila ang banal kung paano magmahal sa mga maralita na tampok sa kanilang plataporma para muling makadenggoy ng boto para sa trono. Bentang-benta sa mga isang kahig- isang tuka noon ang panghatak ng botong ‘SI ERAP PARA SA MAHIRAP’ at WALANG MAHIRAP KUNG WALANG KURAP.

Magmula sa pinakamababang posisyon na konsehal ng munisipalidad hanggang sa Pangulo ng bayan ni Juan, ang sektor ng mga nagdarahop ang binobokilya nilang paglilingkuran pero kapag nakapuwesto na ay MAHIRAP na silang malapitan at “WHO U?” na ang mga maralitang nadenggoy ng kanilang matamis na dila.

Kaya nga di na aasenso ang laging naboboladas na mahihirap (marami sa kanila ang nabibili ng kaunting pilak) dahil pananatilihin silang dukha hanggang sa susunod na halalan. Tandaan ninyo sila lalo na iyong mga Senador na walang ginawa sa kanilang buong termino kundi mamulitika at inetsapuwera na lang ang kapakanan ng mahihirap.

Sabi nga ni tsokaran Kotsron, never again na iboto pa ang mga kontrabidang solons na naging killjoy sa mga isinusulong ng Pangulo para sa kapakanan ng mamamayan.

Ani Kotsron, dapat nang i-flush na rin sa inidoro ang mga tuta ng oligarko at taga-tanggol ng teroristang pulahan tulad nina Franpork, Ontivirus, Kikmatsing, atbp. na EPAL at op kors ang mga nanghahangad ng mas mataas na puwestong sina PAMPARAMPAMPING at ANGKOLSOTO pati na si PLUSHGORDON. Maraming mga mahuhusay na nakahanay na mas deserving .. bago naman…. ABANGAN!

SPORTS SA SONA NI PDIGONG

Sa termino lang ni Pangulong Rodrigo Duterte nabigyan ng importansiya ang larangan ng sports sa bansa at special mention sa kanyang mga SONA.

SA kanyang administrasyon, kaagapay si Senate Sports Committee head Senator Bong Go ay nakalinga nang husto ang ating mga atleta kaya ang nagiging resulta ay karangalan para sa Pilipinas sa mga international competitions.

Sana ay may Olympic Gold medal na ang Pilipinas bago ang SONA. Pilipinas..Go for Gold!!!

LOWCUT: Special acknowledgment sa dalubhasang siruhano sa mata na si Dr. Biboy Martinez ng ProVision Eye Care at St. Luke BGC. Gayundin sa mga maaasahang frontliners ng ProVision Eye Care (Ground Flr. SilverCity Mall, Ortigas sa Pasig City) na sina: Manuel Tristan Fabilla, Susmita Balitor, Ruby Ann Bataller, Rogelio Canale, Rashel Clavecilla , Lenard Cordial, Ailen Flotildes, Dynah Marie Guilamer, Ailen Nobleza, Jet Padila, Edmon Ramos and Erica Joy Clavecilla.We Care coz EYE Care!

Sa mga ATLETA,stuntmen P.E.enthusiasts at aktibong kababayan pati mediamen na nakakaranas ng pilay at sprain pati may uric , mayroong dalubhasang frontliner diyan, siya si Ms Jocelyn Balmes Verdadero ng Tandang Sora, QC. Star SPA home service – contact 09199845253

The post TANDAAN ANG MGA POLITIKONG PAHIRAP SA BAYAN appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
TANDAAN ANG MGA POLITIKONG PAHIRAP SA BAYAN TANDAAN ANG MGA POLITIKONG PAHIRAP SA BAYAN Reviewed by misfitgympal on Hulyo 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.