Facebook

Pakinggan ang huling SONA ni Digong

HULING ulat ngayon ni Pangulong Rody “Digong” Duterte sa mga Pilipino hinggil sa kalagayan at patutu-nguhan ng Pilipinas pagkababa niya sa Hunyo 30, 2022.

Oo! Last State of the Nation Address (SONA) na ito ni Digong. Kaya mahalaga na ito’y ating marinig at namnamin kung may katotohanan o bola-bola na naman.

Sa kanyang mga nakaraang SONA, simula sa kanyang 1st 100 days sa Malakanyang, nangako siya ng drug-free Philippines, no more corruptions, no more smuggling, no more crimininality, more jobs, maunlad na ekonomiya, at higit sa lahat no Chinese sa West Philippine Sea.

Inulit nya ang mga pangakong ito sa mga sumunod pa niyang SONA maliban nalang sa isyu sa WPS.

Sa nakalipas na limang taon, sa tingin ninyo… nagawa ba ni Digong ang kanyang promises?

Sa kanyang SONA lamang noong 2020, ito ang kanyang binanggit: “A year ago, I also warned government officials and employees that I will never tolerate corruptions in my administration, not even a whiff of it. Let the dismissal of several high-ranking officials – whom I myself appointed – serve as a warning to all that I never back down on my commitment to cleanse this government.”

Sa obserbasyon ko, hindi ito ginawa ni Digong. Ang mga opisyal na tinanggal niya ay inilipat lamang ng ibang puwesto. Remember Vitaliano Aguirre na nang masangkot sa P50 million kotong nung Justice Secretary siya at isinangkot din sa “pastillas syndicate” sa airport ay inilipat lang sa NAPOLCOM. Si Nicanor Faeldon na nasangkot grabeng smuggling sa Burea of Customs at “nalusutan” ng bilyon bilyong halaga ng shabu, inilipat lang din sa Bureau of Corrections kungsaan gumawa uli ng kabalba-lan sa pagpapalaya ng drug lords ay nasa mabuting kalagayan parin ngayon.

Ang mga nasankot sa katiwalian sa PCSO, DoH, Philhealth, Navy warships, nakasuhan ba? Waley! Nandiyan parin sila, nagtatamasa sa posisyon!

Yes! Walang nangyari sa binanggit niyang “even a whiff of it (corruptions)” ay sisibakin niya sa puwesto. Drawing lang iyong sibakan, inilipat lang sa ibang puwesto.

Naaalala nyo rin ba ang grabeng katiwalian sa Tourism na pinamumunuan noon ni Wanda Tulfo-Teo, inalis nga si Wanda at kinasuhan kuno. Wala namang nangyari sa kaso. Tinulugan lang ng Office of the Ombudsman. Mismo!

Ang matinding pangako niyang wakasan ang iligal na droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan, may nangyari ba? Waley! Lalo pang lumala ang drug smuggling. Kung dati’y tingi-tingi ang bentahan, ngayon kilo-kilo na! Ang mga nawala lang ay ang mga sipuning tulak, pinagpapatay ng mga pulis, magkaroon lang ng accomplishment sa kanilang “war on drugs”.

Kaya pahulaan ngayon kung anong iuulat ni Digong mamaya. Hindi naman tayo maniniwala kung sasabihin niyang tagumpay ang gobierno laban sa Covid-19. Dahil mag-dalawang taon nang under quarantine ang Pilipinas. Ang Pilipinas ang pinaka-kulelat sa pag-handle sa Covid pandemic, ayon sa pag-aaral ng international group.

Sa target ngang 70 milyong Pinoy na dapat mabakunahan ay higit 4 million palang ang fully vaccinated. Karamihan pa ng bakunang dumarating ay donasyon at bili ng mga pribadong kumpanya at LGUs.

Ang sinasabing 140 million doses na binili ng gobierno ay fake news. Ewan!

Anyway, pakinggan natin ang huling SONA ni Digong nga-yong hapon. Abangan!

The post Pakinggan ang huling SONA ni Digong appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pakinggan ang huling SONA ni Digong Pakinggan ang huling SONA ni Digong Reviewed by misfitgympal on Hulyo 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.