Facebook

Cong. Doy Leachon: Sa mga abusado walang puwang sa Oriental Mindoro

KAHAPON ng umaga (July 12), ay puwersahang pinapalayas ng Philippine Port Authority o PPA ang CALSEDECO bilang official cargo handling service provider ng Calapan Port na nagsilbi sa loob ng 47 na taon, kahit di pa tapos sa imbestigasyon at apela sa husgado hingil sa usapin ng legalidad ng pagpapalit ng Port Service Provider.

Kung di pa tapos, STATUS QUO Dapat!

Kaya napasugod si Senior Deputy Speaker Oriental Mindoro 1st District Congressman Doy Leachon kasama sina Vice Gov Jojo Perez, Mayor Arnan Panaligan at Vice Mayor Gil Ramirez para gumitna dahil sa tensiyon kung saan ang mga Port Police Officers, mga naka “full-battle gear” na animoy sasabak sa giyera na tila may lulusubin na ayon kay Cong Leachon ay tila nanguna pa sa pang-aabuso!

Ayon kay Cong Leachon nasa 11,000 MINDOREÑO na miyembro at empleyado ng CALSEDECO ay nangangamba na kung kelan may pandemya ay mawawalan pa ng trabaho na ikinabubuhay para sa kanilang pamilya.

Sinabi ni Cong Leachon, dapat ang gobyerno, lalo na ngayong pandemya, ay dapat nagbibigay at di nang-aagaw ng hanap buhay lalo na sa mga maliliit na manggagawa.

Binigyang diin din ni Cong Leachon na ang CALSEDECO ay isang multi-awarded cooperative sa lalawigan ng Oriental Mindoro na kilalang maayos na nakapagbibigay ng trabaho sa libong Mindoreno sa mahabang panahon.

Pakiusap ni Cong Doy sa PPA, wag maging abusado. WAG SA MINDORO!

Samantala kamakailan naghain sa Kongreso si Oriental Mindoro, Representative Alfonso Umali,Jr., ng isang panukala para siyasatin ang aniya’y maanomalyang transaksyon sa Philippine Port Authority (PPA) para sa pagpapatakbo ng mga ports, sea terminal at iba pang mga pasilidad sa ilang mga daungan sa bansa.

Hindi na marahil nakatiis ang 2nd District Congressman sa malawakang katiwaliang matagal nang nangyayari sa loob ng bakuran ni PPA General Manager Jay Daniel Santiago?

Pinangalanan din ni Umali sa kanyang House Resolution (HR) 1822 ang mga Port of Puerto Princesa sa lalawigan ng Palawan, Ormoc sa Lalawigan ng Leyte, Tabaco, at Legaspi sa Bicol Region at Calapan City Port sa Oriental Mindoro.

Pagsisiwalat ni Umali na may pinapaboran ang ilang matataas na opisyales ng PPA sa pagkakaloob ng kontrata sa isang “corporate entity” para siyang mamahala ng mga nabanggit na pasilidad sa mga nasabing puerto. Nakabase aniya sa Metro-Manila ang kompanyang nais magmonopolyo ng port operations sa mga nabanggit na daungan.

Kung tutuusin ani Umali ay napakalaki ng mawawala sa pamahalaan pagkat mapagkakalooban ng karapatan ang nasabing kompanya sa operasyon ng mga nabanggit na pier gayong maraming iba pang bidders ang may mataas na bid para makuha ang kontrata.

Hindi umano kukulangin sa P1.3 bilyon ang mawawala sa kaban ng bayan kapag nai-award na sa Prudential Custom Brokerage Service Inc. ang kontrata para pamahalaan ang pagpapatakbo ng pasilidad sa mga naturang daungan.

Ayon kay Umali, kailangang busisiin ng Committees on Good Governance, Public Accountability and Transportation ang new terminal leasing and management rules na tila nababalewala ng PPA.
Maging si Oriental Mindoro, 1st District Representative Paulino Salvador “Doy” Leachon at mga miembro ng Sangguniang Panglungsod ng Calapan City ay nababahala sa kaganapang ito sa Port of Calapan City sa Oriental Mindoro, kaya ang mga ito ay nagkakaisang nanawagan kay Pangulong Rodrigo R. Duterte para masiyasat ang anilay katiwalaan sa kanilang daungan.

Sa liham na ipinadala kay Pangulong Digong sinabi nina Umali, Leachon, Panaligan at mga miyembro ng SP at konseho ng Calapan City na mawawalan din ng hanapbuhay ang may mahigit sa 11,000 Mindoreño na nagtatrabaho sa Port of Calapan City sakaling makontrol ng bagong kompanya ang pagpapatakbo ng Port of Calapan City.

Ang TANONG, may alam kaya sina Santiago at Oriental Mindoro PMO Leo Romero at iba pang PMO chiefs sa mga hinihinalang maanomalyang transaksyones na ito sa kanilang mga daungan?

Subaybayan natin!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!

The post Cong. Doy Leachon: Sa mga abusado walang puwang sa Oriental Mindoro appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Cong. Doy Leachon: Sa mga abusado walang puwang sa Oriental Mindoro Cong. Doy Leachon: Sa mga abusado walang puwang sa Oriental Mindoro Reviewed by misfitgympal on Hulyo 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.