SA tinde ng epektong idinulot ng Covid-19 pandemic na nagpawindang sa kabuhayan ng maraming mamamayan ay ang mga nawalan naman ng trabaho’t pangkabuhayan sa mga residente ng Caloocan City ang pinadalhan ng asiste ni Senator Christopher “Bong” Go nitong July 7.
“Alam ko pong mahirap ang panahon ngayon, nasa gitna pa po tayo ng krisis dulot ng Covid-19. Magtulungan lang tayo para malampasan natin ito bilang nagkakaisang mamamayang Pilipino,” pahayag ni Go sa kaniyang video message.
Sa paghahatid ng mga pang-asiste ng grupo ni Go ay mahigpit na ipinairal ang health protocols sa Kaunlaran Elementary School na pinag-grupo sa mas maliliit na bilang ang 240 benepisaryo na binigyan ang mga ito ng pagkain, grocery packs masks, face shields at vitamins.
Ilang piling mga benepisaryo ay nabigyan ng bagong pares ng sapatos at ang iba naman ay bisekleta na ang mga may anak namang nagsisipag-aral ay binigyan naman ng computer tablets. Ang Department of Social Welfare and Development naman ay nagbigay ng financial assistance at sa pamamagitan naman ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers program, ang Department of Labor and Employment ay nagsagawa ng assessment na ang mga nakuhang kuwalipikadong benepisaryo ay nabigyan ng oportunidad na makapag-trabaho’t masuwelduhan sa loob ng 10-araw para sa community service.
Sa panayam sa isang Cecil Rabor ay ibinahagi nito kung paano nila tiniis ang hirap at makahanap ng pagkakakitaan para sa pangangailangan ng kaniyang pamilya nang manalasa ang pandemic.
“Ako po ay nagpapasalamat kay President Duterte at kay Senador Bong Go dahil nakasali po ako dito sa binigay niyang handog dito. Kahit po pandemic, nagawan po niya ng paraan para mabigyan ang mga tao ng tulong,” pahayag ni Rabor.
Habang pinagsisikapan ng ilang local government units ang A5 category vaccinations ay hinikayat ni Sen. Go ang mga benepisaryo na magpabakuna na para sa kanilang proteksiyon laban sa Covid-19.
“Habang nagbabakuna tayo sa ngayon, pakiusap namin, sumunod tayo sa mga paalala ng gobyerno. Face mask, face shield, social distancing, at hugas ng kamay. Huwag ho kayong maging kumpiyansa, delikado po ang Covid-19,” pagpupunto ni Go.
Inihayag din ni Go na ang mga benepisaryo ay makakahinge ng asisteng medical sa Dr. Jose N. Rodrigiez Memorial Hospital na siyang may Malasakit Center na makatutulong para sa medical expenses.
Aniya, ang Malasakit Center ay isang one-stop shop designed para makaasiste lalo na sa mahihirap na sektor at indigent patients para pakinabangan ng mga ito ang medical programs na ipinagkakaloob ng DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office. Sa kasalukuyan ay may 127 Malasakit Centers na sa buong mundo.
Bahagi ng pangako ni Go na matulungan sa pag-unlad ang Caloocan City ay nagbigay ito ng panuporta sa ilang infrastructure projects tulad sa pagpapatayo ng multi-purpose buildings sa Brgy. 171 at Brgy. 175.
“Mga kababayan ko, magtulungan lang po tayo, magmalasakit po tayo, at magbayanihan po tayo. Sino ba namang magtutulungan kung hindi tayo lang po kapwa natin mga Pilipino?” expressed Go.
Pinarangalan din ni Go ang naging pagsusumigasig ng local government officials sa pag-asiste sa kanilang constituents sa panahon ng pandemya na ilan sa mga binanggit nito ay sina Representative Along Malapitan, Undersecretary and Executive Director of the Council for the Welfare of Children Mary Mitzi Cajayon-Uy, Mayor Oscar “Oca” Malapitan, Vice Mayor Maca Asistio, at maraming iba pa.
Noong June 23 ay nagsagawa rin ang mga staff ni Go ng gayunding distribution activity sa 612 na nawalan ng mga trabaho.
The post MGA KABUHAYANG NAWINDANG SA CALOOCAN CITY INASISTEHAN NI GO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: