Facebook

Dumaraming nagtitiwala sa bakuna, ikinagalak ni Bong Go

IKINAGALAK ni Senator Christopher “Bong” Go ang dumaraming Filipino na nagpapabakuna laban sa COVID-19 kaya lubos siyang nagpapasalamat sa pagtuloy na vaccination efforts ng pamahalaan.

Sinabi ni Go na naobserbahan niya sa kanyang paglilibot-libot sa iba’t ibang panig ng bansa na dumarami ang Filipinos na handa nang mabakunahan o makatanggap ng COVID-19 vaccine.

“Ako naman po, sa kakaikot ko sa buong bansa, nakita ko na tumaas na po ang tiwala ng taumbayan sa pagbabakuna. Kung noon po pinapataas ko sila ng kamay less than 20 percent (lang ang nagtaas at willing magpabakuna), ngayon po, umaabot na po sa 50 percent ang nagtataas ng kamay,” ayon kay Go.

“Ibig sabihin, marami na pong nagtitiwala sa bakuna,” idinagdag niya.

Sa Pulse Asia survey na isinagawa simula Hunyo 7 hanggang 16, lumitaw na 43% ng Filipinos ang nais nang mabakunahan laban sa COVID-19, isang malaking hakbang mula sa 16% noong Pebrero.

Dahil dito, patuloy na umaapela si Go sa publiko na kabilang sa priority list na huwag sayangin ang nasabing oportunidad para maprotektahan ng bakuna sa pagsasabing ito ay ligtas, epektibo at nakabase sa “good science”.

“Disiplina at kooperasyon at huwag muna kayo maging kumpyansa. Habang nagbabakuna, please lang mask pa rin, face shield, social distancing at hugas ng kamay,” paalala ng senador.

“Ang bakuna po ang tanging susi o solusyon kung gusto niyo po sumaya ang ating Pasko para makamtan na po natin ‘yung population protection at herd immunity ngayong taong ito, ‘yun po napakaimportante,” pahabol ng mambabatas.

The post Dumaraming nagtitiwala sa bakuna, ikinagalak ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dumaraming nagtitiwala sa bakuna, ikinagalak ni Bong Go Dumaraming nagtitiwala sa bakuna, ikinagalak ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Hulyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.