MAGIGING mas mabilis na ang pagtugon sa mga nangangailangang medical partikular ang mga COVID-19 cases sa bansa.
Ito ang pahayag ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa paglulunsad ng One Hospital Command Center sa PICC.
Sinabi ni Go na magiging mas mabilis na ang pagtugon sa mga pasyenteng naghahanap ng mag-a-admit na ospital dahil OHCC na magsisilbing National Patient Navigation and Referral Center.
Ayon kay Go, gamit ang makabagong teknolohiya ay hindi na kailangang mag-ikot ang mga pasyente ng COVID-19 o mga pinaghihinalaan pa lamang dahil mayroon nang tatawagang call center para sa referral.
Inihayag pa ni Go na kung dati ay marami ang mga nagsasabing hindi sila tinatanggap sa mga ospital dahil sa punuan, sa call center, mahahanapan na sila ng ospital na mapupuntahan.
Pinasalamatan ni Go ang pamunuan ng PICC dahil pinayagan nitong maging command center ang isa sa mga hall nito.
Tiniyak din ni Go na pag-aaralan niya kung paanong mapapalawak ang sakop ng One Hospital Command Center kasabay ng pagtiyak na patuloy siyang tutulong sa gobyerno para sa mas mabilis na serbisyo sa mga kababayan. (Mylene Alfonso)
The post Sen. Go: One Hospital Command Center sa PICC, inilunsad appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: