PUMALO sa 6,560 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Hulyo 21.
Samantala ay mayroon namang naitalang 5,364 na gumaling at 32 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.1% (47,996) ang aktibong kaso, 95.1% (1,449,579) na ang gumaling, at 1.76% (26,874) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 19, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 1.1% sa lahat ng samples na naitest at 1.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)
The post Covid update: 6,560 bagong kaso; 5,364 gumaling; 32 nasawi appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: