Facebook

COVID-19 reproduction number sa NCR tumaas pa sa 1.08 – OCTA

TUMAAS pa sa 1.08 ang reproduction number sa National Capital Region (NCR), indikasyon na nagkakaroon ng sustained transmission ng COVID-19 sa rehiyon.

Ito ang iniulat ngayong araw ng OCTA Research Group sa gitna ng nagbabantang panganib ng pagkalat ng Delta COVID-19 variant sa bansa.

Sa kanilang latest monitoring report nitong Miyerkules, sinabi ng OCTA Research Group na ang Metro Manila ay nakapagtala ng average na 744 bagong kaso ng sakit araw-araw mula Hulyo 14 hanggang 20, na mas mataas sa dating average na 629 daily new infections noong Hulyo 7 hanggang 13.

Nakapagtala rin ang NCR ng average daily attack rate (ADAR) na 5.39 cases per 100,000 population, ICU utilization na 42%, at positivity rate na 6%.

Una nang sinabi ng grupo ng mga eksperto na bagamat nakakabahala ang pagtaas muli ng mga kaso sa Metro Manila, hindi naman ito dapat na maging sanhi pa nang pagkaalarma, dahil masyado pang maaga upang matukoy kung magpapatuloy ito bilang increasing trend.

Samantala, tinukoy din ng OCTA bilang high risk ang Davao City, Cebu City, Iloilo City, Bacolod, Makati, Cagayan de Oro, General Santos, Baguio, Taguig, Laoag, at Mariveles dahil sa mataas na ADAR, ICU utilization o positivity rates.

Ang Davao City pa rin ang nakapagtala ng pinakamataas na average number ng mga bagong kaso na may 218 fresh infections kada araw mula Hulyo 14 hanggang 20. Ang ICU utilization rate nito ay ‘very high’ sa 91%.

Mataas rin naman ang ICU utilization rate sa Iloilo City na nasa 99% at ng Taguig na nasa 92%.

High-risk areas din ang Bacolod, Cagayan de Oro, General Santos, Baguio at Laoag dahil sa ‘very high’ positivity rate.

Samantala, ang reproduction number ng Pilipinas ay nasa 0.98 naman habang ang ICU utilization rate ay 54% at positivity rate na 11%.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay mayroong walong aktibong kaso ng mas nakahahawang Delta variant, at anim sa mga ito ang lokal na kaso o walang biyahe sa ibang bansa.

Nilinaw naman ng Department of Health (DOH) na kinukumpirma pa nila kung may nagaganap nang local transmission ng sakit sa bansa. (Andi Garcia)

The post COVID-19 reproduction number sa NCR tumaas pa sa 1.08 – OCTA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
COVID-19 reproduction number sa NCR tumaas pa sa 1.08 – OCTA COVID-19 reproduction number sa NCR tumaas pa sa 1.08 – OCTA Reviewed by misfitgympal on Hulyo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.