KINUMPIRMA ng Malakanyang na sinimulan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rehearsal para sa kanyang nakatakdang huling State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 26.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque na ito ang unang rehearsal ng presidente na inaasahang masusundan pa hanggang sa kanyang nakatakdang SONA.
“May rehearsal po si presidente ngayon para sa SONA. Ito po yung kauna-unahang rehearsal niya. Nasa pinal na po ang kanyang talumpati at based on past SONA, ayaw ni presidente na binabago-bago yung kanyang speech,” ani Roque.
Nilinaw ni Roque na inaasahang tatalakayin ng pangulo sa kanyang huling SONA ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa nakalipas na limang taon at kung ano pa ang aasahan ng mga Pilipino sa kanyang natitirang panahon ng termino.
“In the end, siya mismo ang nag-eedit as he rehearses. Ang alam ko po ang magiging porma ng kanyang SONA ay titingnan po niya yung mga nakalipas na limang taon na siya ay naging presidente at popokus siya siyempre sa pag-unlad ng bayan, doon sa social programs, infrastructure, peace and security, foreign policy,” sabi pa ni Roque. (Vanz Fernandez/Josephine Patricio)
The post Duterte nag-rehearsal na para sa huling SONA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: