SUGATAN ang isang dalagita nang pagsasaksakin at tangkaing gahasain ng isang partidor sa Barangay Roxas, Solano, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang salarin na si Rodolfo Sibayan, 29 anyos, partidor; habang ang biktima na hindi na pinangalanan ay 17-anyos, estudyante, at kapwa residente ng naturang lugar.
Sinabi ni Police SMS. Renzy Yarcia, tagasiyasat ng Solano Police Station, nag-iisa ang dalagita sa kanilang bahay at naglalaro ng Mobile Games habang hinihintay ang kanyang ina na pumunta sa isang burol nang sumulpot sa kanyang harapan si Sibayan at agad siyang pinagsasaksak.
Bagaman nabigla ang biktima at may tama ng saksak sa braso, nagawa nitong makatakbo sa kabilang kuwarto ng kanyang ina, subali’t sinundan siya at ipinagpatuloy ang pananaksak sa kanya.
Nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalagita, pangunahin na sa kamay, leeg, tagiliran, hita at sa likurang bahagi ng kanyang katawan.
Hinubaran din ni Sibayan ang biktima at tinangka gahasain, subali’t nang mahimasmasan agad ding umalis.
Mabilis na isinugod sa malapit na pagamutan ang dalagita at nasa mabuti na itong kalagayan.
Naaresto si Sibayan sa tulong ng ilang residente sa kanilang barangay. Nakakulong na ito sa Solano Police Station at mahaharap sa kasong frustrated murder at attempted rape.
The post Dalagita sugatan sa saksak ng rapist appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: