ANG kanyang pangalan noon ay sinasabing “kiss of death” para sa mga politikong ayaw maalis sa kapangyarihan.
Ang sinumang politiko na madikit sa kanyang pangalan noon ay tiyak talo pagdating ng halalan. Para nga siyang utot na iniiwasan, isinusuka!
Kaya nga sa huling dalawang taon ng kanyang termino noon ay wala nang natirang politiko sa kanyang tabi, lahat nagtalunan, iniwan siya sa ere, hanggang sa siya’y makulong sa mga kaso ng katiwalian partikular Plunder.
Pero sabi nga, ang buhay ay parang gulong: minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim.
Ngayon, si dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo, mas kilala sa tawag na “GMA”, ay nasa ibabaw na. Mismo!
Oo! Si GMA ang pina-kinasusuklamang presidente noon, matapos ipa-impeach at ipakulong ng kanyang kampo si noo’y Pangulo Joseph “Erap” Estrada; at “dayain” nila si late action king Fernando Poe. Jr., sa presidential election noong 2004, kungsaan “nanalo” siya ng higit 1 million vote mula sa Cebu, at i-zero si FPJ maging sa bayan ng huli sa Pangasinan.
Naging kontrobersyal ang panalong iyon ni GMA, lu-mabas ang “Hello Garci” na pandaraya umano sa Mindanao, na minaneobra ng noo’y election commissioner na si Virgilio Garciliano.
Na dahil sa mga kontrobersiyal na ito at mga “katiwalian” ng ilang miyembro ng kanyang pamilya ay kinasuklaman si GMA ng marami. Maging ang presidentiable na si ex-Senate President Manny Villar noong 2010 ay nadamay sa pagkamuhi ng mga tao kay GMA nang idikit ang pangalan ni Villar sa Arroyo, ginawang “Villaroyo”. Natalo si Villar.
Pero ang mga Pilipino ay sadya yatang madaling maka-limot.
Matapos mapalaya si GMA sa mga kaso ng katiwalian nang maluklok ang Duterte administration ay kaagad na-kabalik sa politika ang dating Pangulo. Naging kongresista ito ng distrito ng Lubao, Pampanga. Naging House Speaker pa!
Pero bago ito, si GMA ang tumulong ng malaki, “financially”, para manalo si noo’y Davao City Mayor Rody Duterte sa pagka-pangulo. Si ex-President FVR ang naglapit kay Duterte kay GMA. Bingo! Landslide si Duterte sa Pampanga sa tulong narin ng “bata” ni GMA na kilalang jueteng lord sa Central Luzon.
Kaya totally ay naibalik ang buong impluwensya ni GMA sa politika. Siya na ngayon ang nilalapitan ng mga nagbabalak ma-ging pangulo ng bansa sa sunod na anim na taon, simula sa 2022 presidential election.
Last month, nakipagkita kay GMA ang magkapatid na Marcos (Bongbong at Imee) para sa plano ni Bongbong sa darating na halalan.
At nitong mga nagdaang araw ay si Presidential daughter Davao City Mayor “Inday” Sara Duterte-Carpio naman ang nakipagpulong kay GMA.
Si Sara ay nag-anunsyo naring bukas sa pagtakbong Presidente. In fact ang kanyang regional political party na “Hugpong ng Pagbabago’ ay nakaporma na sa lahat ng rehiyon sa bansa since 2 years ago.
Ang mga larawan ng pag-uusap nina Marcos at Duterte kay GMA ay kumalat sa social media. Sabi ng matatalinong netizens, onli in da Pilipins na ang politikong nakulong sa korapsyon ay siya na ngayon ang nilalapitan ng mga politiko na may ambi-syong maging pangulo rin ng bansa, Mismo!
The post Dating kinasusuklaman takbuhan na ng presidentiables, tsk tsk… appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: