PARA mapalakas ang produksyon ng agrikultura sa bansa iminungkahi ng opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang farm consolidation sa pamamagitan ng pagsasama sama sa bukurin para sa pagsusulong ng epektibong rural development strategies.
Nabatid kay Department of Agrarian Reform (DAR) Undersecretary for Foreign Assisted and Special Projects Bernie Cruz sa isinagawang webinar kamakailan na inorganisa ng state think tank na Philippine Institute for Development Studies (PIDS) sinabi nitong mas mapapaunlad ang agrikultura sa kabukiran sa pamamagitan ng farm consolidation.
Kaugnay nito ipinaliwanag pa ni Usec. Cruz ang benipisyo at hamon para sa parcelization para sa pagsali sa agrarian reform beneficiary organization (ARBOs) upang mapaunlad ng mga magsasaka ang kanilang mga sinasakang lupa.
“Kinakilangan ang konsolidasyon ng lupang agraryo para sa commercial production para mapaunlad ito” ayon pa kay Cruz.
Ayon pa sa ulat ang departamento ng DAR ay ipinatupad ang World Bank-funded project na tinawag na Support to Parcelization of Land to Individual Title (SPLIT) na layuning na mabigyan ang mga magsasakang benipisaryo na kinapapalooban sa ilalim ng CCLOA (Collective Certificates of Land Ownership Award) upang matukoy at makilala ang may-ari ng kani kanilang pagmamay-aring lupa.
Idinagdag pa sa ulat na ang naturang proyekto ay sinusuportahan ang mabilis na pagsubaybay ng land parcelization para sa indibidwal na magsasaka.
Samantala tiniyak din ni Cruz na walang magsasakang mapapaalis sa kanyang lupang sinasaka sa pagpapatupad ng Support to Parcelization of Land to Individual Title (SPLIT).
Kaugnay nito sinabi pa ng opisyal ng DAR na kinakailangan na ikonsidera ang pangangailangan ng land consolidation para sa commercial production ng agrikultura para paunlarin ito.
Ipinaliwanag pa nito na karamihan sa mga lupang ipinamamahagi sa mga magsasaka ay mula sa mga haciendas para sa pangangailangan ng agricultural produce para sa maramihang kaya naman ang individual distribution ng mga naturang lupa ay pinaghiwa hiwalay sa commercial production.(Boy Celario)
The post Opisyal ng DAR iminungkahi ang farm consolidation appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: