KAILANGAN pa ng Gilas Pilipinas ang overtime para itakas ang manipis na 74-73, wagi laban sa maangas na Tunisia kahapon sa King Abdullah Cup sa Prince Hamza Sport Hall sa Amman,Jordan.
Naipasok ni Thirdy Ravena ang kanyang dalawang free throws sa nalalabing nine seconds sa extension bago na butata ni Ange Kouname ang attempt ni Achref Gannouni para masungkit ng Gilas ng pahirapang panalo.
Ang pangkat ni coach Tab Baldwin ay umangat sa 2-1 sa five-team tournament na tiyak na ticket sa semifinals.
Ang Pilipinas ay nagwagi ng back-to-back games matapos mabigo sa opening laban sa kasalukuyang nangingibabaw na Egypt, 73-60.
Ang 90-63 tagumpay laban sa Jordan -B nakaraang gabi ay hindi kabilang sa team standings.
Kouname nagtapos ng 12 points,five rebounds at five blocks,Dwight Ramos may 11 points,three rebounds,two assists at two blocks,habang si SJ Belangel nag-dagdag ng10 points at four assists.
Ravena bumakas ng seven points,three rebounds at two assists.
The post Gilas wagi vs Tunisia sa overtime appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: