OPO niluluto na ng LA Lakers ang best combination para sa 2021-22 na season. Ito ay lahat ng pwede basta’t kakayanin ng kanilang salary cap at kasundo nina LBJ ay AD. Kaya naman sila pinakaabala ngayong summer break ng NBA.
Malaking balita kahapon ang Russell Westbrook trade. Mula sa Washington ay magbabalik sa Southern California ang Wizard.
Kapalit niya sina Kyle Kuzma, Kentavious Caldwell Pope, Montrez Harrell at ang 22nd pick sa Rookie Draft. Bukod kay Westbrook ay mapupunta rin kina Coach Frank Vogel ang dalawang 2nd round choice ng Washington sa 2024 at 2028.
Kaya tapos na ang pangangailangan nina GM Rob Pelinka sa point guard. Lumabo na si Chris Paul dahil sa posisyon at sa swelduhan.
Dapat asikasuhin na ng front office ang pagsungkit ng sentro sa free agency. Pwede sina Hassan Whiteside, Damian Jones,
Dwight Howard. Mga papayag yan sa veteran minimum. Si Jones nagkaroon ng 2 na ten-day contract sa kanila samantalang si Howard ay ikatlong tour of duty na sa prangkisa ng Hollywood. Hanggang 2 pang big man ang maaari. Ikatlo si Marc Gasol.
Si Gasol pang tres at pangpasa habang ang 2 pa ay mga good rebounder at rim protector pati pang alley hoop.
Kaya kulang na lang ay yung 3 na may depensa at kumpletos recados na. Sino ihahalili kina Kuzma at Caldwell-Pope? Abangan!
***
Tatlong bagay ang naging mahalaga sa pagkakamit ng ginto ni Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics.
Una, matagal na nagtraining sa Malaysia si Diaz. Naipit na sila ng pandemic lockdown doon. A team ni Hidilyn ay mga isang taon nag-ensayo sa bahay ng opisyal ng weightlifting official ng naturang bansa na ang ngalan ay Ahmad Janius. Malaki ang naitulong ng kanyang pananatili sa ating kapit-bansa.
Pangalawa ay si Gao Kaiwen, isang Tsino na kanyang head coach sa kanyang quest for gold sa Olympiada. Kahit Intsik ay hindi naman naging sagabal sa tagumpay ni Diaz kontra sa kababayan nito na naka-2nd sa kanya. Medyo asar lang ang China dahil tinalo sila ng isang Pilipino na parati nilang minamaliit.
Ikatlo ang syota at isang inspirasyon ni Hidilyn ay isang Fil-Japanese na nakilalala niya sa isang paligsahan sa Turkminisstan.
Si Julius Naranja ay 3 taon na bf niya at kinatawan dati ang Guam sa pakontest sa weightlifting. Si Julius daw ang parating nasa tabi niya. Oo ke sa paligsahan man o sa normal na buhay. Bilang stength at condition mentor ng ating pambato ang nakita natin siya sa camera na humangos kay Diaz matapos ang makasaysayang gold performance sa kapitolyo ng Japan.
***
Ayon kay PilosoPONG ay swerte si Enrile. Inabutan pa niya ang ating historic first gold sa Olympics. Napanood pa ni JPE ang kakaibang tagumpay ni Hidilyn Diaz. Aba nadaig niya sina Jose Rizal at Andres Bonifacio. Hehehe.
The post Lakers ay bakers! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: