Facebook

Lt. Gen. Faustino itinalaga ni Duterte na sunod na AFP Chief

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lt. Gen. Jose Fautino bilang bagong Armed Forces of the Philippine Chief of Staff kapalit ni Gen. Cirilito Sobejana na magreretiro sa serbisyo.

Si Sobejana na kabilang sa Philippine Military Academy Class 1987 ay nakatakdangg magretiro sa serbisyo ngayong araw (July 31) sa edad na 56 anyos.

Ayon kay Capt. Jonathan Zata, chief ng AFP Public Affair Office, welcome sa AFP ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakatala kay Faustino bilang bagong AFP Chief of Staff kapalit ni Gen. Sobejana.

Si Faustino ay kasalukuyang Commander ng Joint Task Force Mindanao, dating Acting Commanding General ng Phillippine Army, naging Commander ng AFP Eastern Mindanao Command.

Ang turn-over ay ginanap nitong Biyernes, Hulyo 30, sa Camp Aguinaldo sa Quezon City. (Mark Obleada)

The post Lt. Gen. Faustino itinalaga ni Duterte na sunod na AFP Chief appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lt. Gen. Faustino itinalaga ni Duterte na sunod na AFP Chief Lt. Gen. Faustino itinalaga ni Duterte na sunod na AFP Chief Reviewed by misfitgympal on Hulyo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.