LUMOBO sa 8,562 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes, Hulyo 30.
Samantala ay mayroon namang naitalang 2,854 na gumaling at 145 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.9% (61,920) ang aktibong kaso, 94.3% (1,491,182) na ang gumaling, at 1.75% (27,722) ang namatay.
Lahat ng laboratoryo ay operational noong July 28, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.5% sa lahat ng samples na naitest at 0.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)
The post Covid update: 8,562 bagong kaso; 2,854 gumaling; 145 nasawi appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: